Makiring matandang dalaga
July 4, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Sumulat po ako sa inyo para humingi ng advice. Mag-iisang taon ko nang karelasyon ang apo ng tatay ko. Sa madaling salita, auntie niya ako. Naguguluhan po ako kung talagang mahal niya ako.
Alam mo Dr. Love, ngayon ko lang naranasan ang umibig at ibigin at makalasap ng tamis ng kaligayahan sa maling pag-ibig at maling panahon. Ang masakit nito ay kung bakit sa pamangkin ko pa ibinigay ang aking sarili.
Kaya kami nagkaroon ng relasyon ay dahil sa pera. Mapera ang pamangkin ko dahil nasa Italy ang asawa niya. Everytime na kailangan ko ng pera, sa kanya agad ako lumalapit hanggang sa bandang huli ay na-develp na kami sa isa't isa.
Sa kanya ko naramdaman na mahal na mahal niya ako kahit na alam kong malaking kasalanan ito. Pero wala akong magagawa dahil napamahal na siya sa akin nang labis. Hindi ko na iniintindi ang sasabihin ng mga tao dahil bulag na ako sa maling pag-ibig.
Siya ang first love ko at kahit na labag sa aking kalooban at sa pamilya ko, basta ang alam ko ay nagmamahalan kami sa isa't isa. Hindi ko na rin iniisip kung ano ang mangyayari at ang tanging iniisip ko ay ang aking kaligayahan. Mabait siya, maunawain at mapagmahal. Alam kong mali ito pero hindi ko mapigilan ang aking damdamin.
Habang dumadaan ang bawat araw ay lalong tumitibay ang aming pagmamahalan. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman ng asawa niyang nasa Italy ang aming relasyon. Gusto ko na siyang kalasan dahil nakokonsensiya ako pero ikamamatay ko naman kapag nagkahiwalay kami. Sabi niya ay hindi raw niya ako iiwan kahit ano ang mangyari sa aming relasyon.
Naguguluhan ako. Pagpayuhan mo ako kung ano ang dapat kong gawin.
Gumagalang,
Minda ng Pangasinan
Dear Minda,
Ang nadarama mo ngayo'y pansamantalang ligaya lang. Pero ang ibubunga niyan ay kapahamakan sa dakong huli. Isipin mo ang mawawasak na relasyon ninyong magkakamag-anak.
Alam mong kasalanan at mali ang iyong ginagawa. Kung gayo'y ituwid mo ang iyong landas bago maging huli ang lahat.
Hindi pag-ibig ang nadarama mo kundi pita lang ng laman. Sa gulang mo ngayon, posibleng makatagpo ka pa ng lalaking magpapaligaya sa iyo nang hindi ka magkakasala. Nasa iyo ang desisyon.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am