^

Dr. Love

Nasaan ka, Jessie?

-
Dear Dr. Love,

Hi! How are you? Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Lumiham po ako sa inyo dahil sa aking problema sa aking boyfriend na si Jessie. Super bait po siya at hindi kami nag-aaway. Mahal namin ang isa’t isa. Nang umuwi ako ng aming probinsiya sa Samar, ang sabi niya ay susunod siya. Naghintay ako sa kanya pero ang kaso ay nagkasalisihan kami. Pabalik na ako ng Maynila nang magtungo naman siya sa Samar. Magmula noon ay hindi na kami nagkita o nagkausap.

Dapat pa ba akong maghintay sa kanya o kalilimutan ko na lang siya? Mahal na mahal ko po siya. Sana po ay matulungan ninyo ako sa aking problema. Sana ay mabasa ni Jessie ang liham kong ito sa inyong column.

Marami pong salamat.

It’s me,
Anna


Dear Anna,


Sana’y mabasa ni Jessie ang sulat mo. At umaasa rin ako na walang masamang nangyari sa kanya.

Bakit hindi mo subukang sumulat sa pamilya mo sa Samar at baka naroroon uli siya?

Sabi nga, kung wagas ang pag-ibig, gagawin nito ang lahat ng paraan para matunton ang minamahal.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BAKIT

DAPAT

DEAR ANNA

DR. LOVE

JESSIE

LUMIHAM

MAGMULA

SAMAR

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with