Mahal kaya talaga ako ng bf ko?
June 4, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Kumusta po kayo? Itago mo na lamang ako sa pangalang Miss Cancer ng Mataon, Polangui, Albay. Ipinanganak po ako noong Hulyo 11, 1983 at ang boyfriend ko naman ay noong Abril 16, 1979.
Mahal ko po ang boyfriend ko subalit ang pinoproblema ko ay kung talagang mahal niya ako. Naguguluhan po ako at hindi ko alam kung totoo o hindi ang sinasabi niya.
Ang sabi niya ay ipakikilala raw niya ako sa mga magulang niya. Dapat ba akong sumama sa kanya?
Sana po ay mapayuhan ninyo ako dahil kayo lang ang lubos na nakakaalam ng tungkol sa pag-ibig. Hangang-hanga po ako sa mga payo ninyo at hangad ko po na mapagpayuhan din ninyo ako.
More power and God bless.
Miss Cancer ng Albay
Dear Miss Cancer ng Albay,
Higit sa lahat, ikaw ang makakaramdamam kung totoo o plastic lang ang ipinakikitang pagmamahal sa iyo ng boyfriend mo.
Hindi ka ba niya pinababayaan? Maalalahanin ba siya? Hindi ka ba niya binibigyan ng sama ng loob? Marami pa ba siyang nililigawang iba kahit na mayroon na kayong relasyon?
Matapat mong sagutin ang mga katanungang ito sa iyong sarili. Dito mo makukuro kung totoo ang sinasabi niya sa iyo o hindi.
Tanungin mo rin ang sarili mo kung may inililihim na mga bagay sa iyo ang boyfriend mo. Talaga bang kilalang-kilala mo na siya kung kayat hindi mo dapat pang pang-alinlanganan ang kanyang katauhan?
Kung ipakikilala ka niya sa mga magulang niya, bakit hindi ka sumama? Pero hindi dapat na matulog ka sa kanila dahil hindi pa kayo kasal. Hindi tamang tingnan.
Pag-ingatan mo ang iyong sarili at huwag basta magtiwala dahil bata ka pa.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended