^

Dr. Love

Limang taong istambay, nakahanap ng trabaho

-
Pitong taon na kaming nagsasama bilang mag-asawa. May apat na anak kami. Pero sa loob ng pitong taon naming pagsasama, limang taon siyang istambay. Na-retrench siya sa trabaho. Mula noon ay nawalan na siya ng ganang maghanap pa ng trabaho.

Unti-unting nawala ang pag-ibig ko sa asawa ko. Lumalaki na ang aming mga anak gayundin ang aming gastos sa araw-araw. Dahil may kaya ang mga magulang ng asawa ko, sinusuportahan na lang nila kami. Tumutulong din sa amin ang kanyang kapatid na nasa Italy. Pinadadalhan na lang nila kami ng pera buwan-buwan.

Tinutulungan din kami ng mga magulang ko. Napag-isip isip ko na hiwalayan ko na lang siya. Dahil wala ngang trabaho, lasenggo pa siya. Naging iresponsable siya. Kundi lang sa payo ng kanyang kapatid na isang Born-Again Christian at ng asawa niyang pastor, matagal ko nang hiniwalayan ang asawa ko.

Isang araw, inanyayahan ako ng kapatid kong si Wing na sumama sa isang Bible study sa kapitbahay ng mga magulang ko sa Village East, Cainta. Sa gawaing ito, ipinanalangin ng isang counselor ng Christ, the Living Stone Fellowship (CLSF) na makapagtrabaho na ang asawa ko. Mula noon, palagi na akong dumadalo sa gawaing ito kasama ang kapatid kong si Wing.

Lumipas ang dalawang buwan, nag-apply ang aking asawa sa isang kompanya sa Makati City bilang driver. Dahil tapos siya ng Auto- Mechanic at marunong mag-drive, natanggap siya. Nagsimula na siya noong nakaraang linggo. Alam ko na ang panalangin ng CLSF counselor ang ginamit ng Panginoong Hesus upang dinggin ang hinaing ng puso ko na makapagtrabaho ang asawa ko. Purihin si Hesus! – Mabel ng Cainta
* * *
(Kung nais ninyong makatanggap ng pagpapala, kagalingan, katugunan sa mga panalangin at anupaman, tumawag lamang sa 533-5171 at hanapin ang CLSF counselor.)

ASAWA

BORN-AGAIN CHRISTIAN

CAINTA

DAHIL

LIVING STONE FELLOWSHIP

MAKATI CITY

MULA

PANGINOONG HESUS

SIYA

VILLAGE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with