Lumayo ang mahal at mga kaibigan
April 23, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Greetings in the merciful name of Jesus!
Isa po ako sa libu-libong tagasubaybay ng inyong column at sumulat po ako para mabawasan ang bigat na aking nararamdaman dala ng pangungulila at kalungkutan.
Sa kasalukuyan po ay nakakulong ako sa Medium Security Compound sa Camp Sampaguita dahil sa salang pagpatay. Dahil po sa pangyayaring ito, lumayo sa akin ang aking minamahal at mga kaibigan dahil baka pati raw sila ay madamay.
Dr. Love, alam kong ikaw lamang ang makakatulong sa aking problema. Sana ay mailathala ang aking pangalan sa iyong column para magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat. Yung tapat magmahal gaya ko.
Manumbalik pa kaya ang dati naming pagtitinginan ng mga kaibigan ko sakaling lumaya akong muli?
Umaasa at nagpapasalamat,
Domingo D. Lachica, Jr., 39 years-old
U.P.H.R. Dormitory
Camp Sampaguita,
Muntinlupa City 1776
Dear Domingo,
Mababaw na dahilan ang paglayo ng iyong minamahal at mga kaibigan dahil sa kasong iyong kinasangkutan. Higit mong kailangan ang kanilang pagkalinga pero lumayo sila sa iyo. Mabuti na ring nalaman mo ang tunay nilang ugali. Hindi pala sila maaasahan sa oras ng kagipitan.
Umaasa akong sa paglalathala ng iyong pangalan at address ay marami kang magiging kaibigan sa panulat. Malay mo, dito mo rin makilala ang tunay na magmamahal sa iyo. Good luck at huwag kang mawalan ng pag-asa.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am