^

Dr. Love

Patay, binuhay ni Hesus

-
Kamakailan lamang, isang obrero ang namatay sa loob ng limang minuto dahil kinagat ito ng insekto habang siya at ang kanyang mga kasamahan ay gumagawa sa isang gusali sa Calbayog st., Mandaluyong City na pag-aari ng Christ, the Living Stone Fellowship. Mabilis siyang dinala ng kanyang mga kasamahan sa ibaba ng gusali at ipinanalangin ng mga intercessors ng CLSF.

Sa pangunguna ni Bishop Daniel Balais, ipinagdasal ang obrerong patay na dahil wala na itong pulso at violet na ang kulay ng labi at balat. Hindi na ito humihinga. Pagkatapos ng panalangin, dumilat ang mga mata ng obrero at agad itong isinugod sa Polymedic Hospital para malapatan ng kaukulang lunas.

Ayon sa pagsusuri, ang kagat ng inskekto ang nagpahinto sa paghinga ng biktima. Allergic pala ang biktima sa kagat ng insekto.

Mabuti na lamang at naroroon ang mga CLSF intercessors na nanalangin kung kaya ang biktima ay binuhay ng Diyos.

Madalas na nakakaranas ng mga ganitong himala ang mga CLSF intercessors at ayon sa kanilang pananampalataya, darating ang panahon na makakaranas ang mga miyembro ng Iglesiyang ito na bumuhay ng mga patay para lamang magkaroon ng ugnayan ang tao at si Hesus.

Purihin ang Panginoong Hesu Kristo dahil sa kanyang ginawang pagbuhay sa namatay na obrero.
* * *
(Kung nais ninyong makatanggap ng pagpapala, kagalingan, katugunan sa mga panalangin at anupaman, tumawag lamang sa 533-5171 at hanapin ang CLSF counselor. Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa unang anibersaryo ng Tagumpay sa Buhay sa CLSF, alas-2 hanggang alas-4 ng hapon, Abril 12 sa 453 Calbayog st., Mandaluyong City.)

ABRIL

AYON

BISHOP DANIEL BALAIS

BUHAY

CALBAYOG

LIVING STONE FELLOWSHIP

MANDALUYONG CITY

PANGINOONG HESU KRISTO

POLYMEDIC HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with