Paging Shella B.
April 2, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo at sa buong staff ng PSN. Tawagin na lamang ninyo akong "Ashley," 22 years-old. Ang panawagan ko po ay para sa dati kong ka-batch sa trabaho. Sabay po kaming na-hire at sabay ding natapos ang kontrata namin noong Hulyo 2002.
Narito po ang mensahe ko para kay Ms. Shella B. ng Parañaque City, 21 years-old:
Ms. Shella B.,
Sana ay okey ka lang at sana ay mabasa mo ito. Bago ako magpatuloy, gusto ko lang malaman mo na wala akong balak na guluhin ka.
May mga bagay na hindi ko nasabi sa iyo. Kinapos man ako noon, sana'y malaman mo na minamahal kita. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko. Mahirap lang dahil hindi ako nagkaroon noon ng pagkakataon na mapatunayan ito sa iyo. Lagi kasi akong nauunahan ng kaba. At saka umaasa pa rin ako na magkakaroon pa rin tayo ng komunikasyon kahit na wala na tayo sa dati nating trabaho.
Pasensiya ka na. Wala akong ibang paraan para maipaalam ang lahat ng ito sa iyo kaya sumulat ako sa column ni Dr. Love. Ni hindi ko alam ang address mo at nawala na rin ang cell# mo sa akin.
Shella, naaalala mo pa ba ang movie na "Life or Something Like It"? noong lumabas tayo? At naaalala mo rin ba noong mabali ang ginagamit mong plastik na tinidor? Habang kumakain tayo, nagkatawan pa nga tayo. Siguro naman ay natatandaan mo na ako (Ashley).
Maraming salamat Dr. Love sa paglathala mo sa aking liham. Malaking bagay po ito sa akin. God bless and more power to your column.
Lubos na nagpapasalamat,
Ashley
Dear Ashley,
Sana ay mabasa ni Ms. Shella B. ang liham mo.
Bakit kasi hindi mo pa nasabi noon nang harapan ang nararamdaman mo para sa kanya. Kunsabagay, may mga ganyang lalaki na talaga namang nahihiya sa harap ng mga babae.
Magkagayunman, I wish you all the luck. Sana ay muling mabuksan ang inyong komunikasyon ni Ms. Shella B. and who knows, may magandang mangyari after publishing your letter for her. Good luck.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am