Mailap ang pagmamahal
March 30, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isang mainit na pagbati sa inyong lahat sa PSN.
Ako po ay kabilang sa libu-libo ninyong mambabasa at tagahanga. Hindi po kumpleto ang araw ko kung hindi ko nababasa ang inyong pitak sa malaganap ninyong babasahin.
Tawagin na lang po ninyo akong Therese, 22 taong gulang at hanggang ngayon ay binabansagang "siyana" kahit na dito ako naninirahan sa Maynila.
Hindi naman po ako masasabing pangit. Subali't ang ipinagtataka ko, walang manligaw na matinong gustong lumapit sa akin. Ang sabi ng iba kong kaibigan, mukha daw kasi akong mataray kung kaya't ang lumalapit sa akin ay yaong mukhang mga butangero at mahilig uminom.
Hindi naman sa minamaliit ko ang mga lumalapit na manligaw sa akin. Subali't ang mga nagkakamali ngang manligaw ay yaong mga hindi ko naman type.
Ano po kaya ang dapat kong gawin para naman makaakit ako ng mga tulad ko ring propesyonal?
Ang sabi ng best friend kong si Dina, hindi ko pa lang daw panahon. Kailangan ko raw magbago ng image dahil sa outlandish daw akong magdamit. Para raw tomboy akong kumilos.
Ano po sa tingin ninyo? Kaya pa bang mabago ang aking imahen?
Hintay ko po ang inyong kasagutan.
Gumagalang,
Therese
Dear Therese,
Ikinalulugod naming mapabilang ka sa aming mga mambabasa ng PSN at masugid na tagasubaybay ng column na ito.
Kaya naman patuloy na pinagbubuti namin ang paghahatid sa inyo ng mga piling artikulo at makabuluhang mga balita.
Tulad ng best friend mo, payo ko rin sa iyong magbago ng imahen para hindi mapagkamalang gay. Kaya limitado lang sa iisang sektor ang mga lumalapit sa iyo hindi para manligaw marahil kundi para alamin kung talaga ngang iba ang iyong kasarian.
Kailangan ding gawin mong natural ang pakikitungo mo sa lahat ng taong kausap mo lalaki man o babae. Hindi suplada o mataray.
Kung palasigaw ka, baguhin mo ang ugaling ito.
Makakatulong ng malaki ang pagbabasa mo ng mga fashion magazine at iba pang mga aklat na kapupulutan mo ng tamang kilos at galaw sa tamang okasyon.
Lumabas ka rin. Be sociable para hindi limitado lang ang ginagalawan mong mundo at makakilala ka ng maraming kaibigan.
Good luck to you!
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended