^

Dr. Love

Problematic Girl

-
Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? I'm one of your avid readers. Hanga ako sa inyo dahil magaling kayong magbigay ng advice. Kaya po ako napasulat ay dahil gusto ko ring humingi ng payo.

May bestfriend po ako na parang kuya ko na rin. May barkada siya na ipinakilala sa akin. Unang kita ko palang sa kanya ay crush ko na agad siya. Di-nagtagal ay naging magkaibigan kami.

Binigyan ko siya ng sulat about my feelings for him at nang mabasa niya ang sulat, wala siyang reaksiyon. Parang wala lang. Sa tuwing makakausap ko siya, nahihiya ako dahil alam niya na may gusto ako sa kanya. Pero sabi sa akin ng bestfriend ko, mahal daw ako ng kaibigan niya. Pero bakit hindi ko maramdaman?

Sa tuwing mag-uusap kami sa phone, lagi niyang sinasabi sa akin na huwag daw akong magmadali dahil darating din daw kami sa ganoong sitwasyon. Marami lang daw po siyang problema kaya ayaw muna niyang magka-girlfriend.

Dapat ba akong umasa sa lahat ng mga sinasabi niya sa akin?

Thanks and more power.
Problematic Girl


Dear Problematic Girl,


Mukhang mahirap ang katayuan mo. Totoo kaya ang sinasabi ng bestfriend mo na mahal ka ng barkada niya?

Baka naman binibigyan ka lamang niya ng pag-asa dahil alam niyang may crush ka sa kaibigan niya.

Kung talagang mahal ka niya, maghintay ka na lamang ng takdang panahon na magtapat siya sa iyo. Kung kayo talaga ang para sa isa't isa, gagawa ng paraan ang tadhana para mangyari ito.

Dr. Love

AKO

BINIGYAN

DAPAT

DEAR PROBLEMATIC GIRL

DR. LOVE

HANGA

KAYA

KUMUSTA

NIYA

PERO

PROBLEMATIC GIRL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with