^

Dr. Love

Itutuloy pa ba ang relasyon?

-
Dear Dr. Love,

Good day to you. I'm one of your avid readers and here I am seeking your advice.

Sumulat po ako dahil malaki ang aking kasalanan sa aking girlfriend. Magkapareho po kami ng apelyido. Noong una ko siyang makita, minahal ko na agad siya hanggang sa tuluyang mahulog ang aking damdamin.

Pinigilan ko po ang aking nararamdaman dahil alam kong mali ang ginagawa ko subali't hindi ako makatulog sa gabi sa kaiisip sa kanya. Hanggang sa magkaroon kami ng relasyon. Dalawang taon kaming nagkaroon ng lihim na relasyon. Natatakot kaming ipalaam ito sa aming mga kaibigan at higit sa lahat, sa aming mga magulang. Please give me some advice. Itutuloy ko pa ba ang aming relasyon? Tawagin na lamang ninyo kaming Brokokoy at Brokakay ng Sapi-an, Capiz.

Thanks and more power.
Brokokoy


Dear Brokokoy,


Hindi mo sinabi sa iyong liham kung ano ang extent ng inyong pagiging magkamag-anak kaya naman hindi ko masabi kung bawal ba o hindi ang inyong relasyon.

Kung totoong malapit kayong magkamag-anak, makabubuting maglimutan na lamang kayo dahil malaki ang magiging epekto nito sa inyong magiging mga anak. Hindi ba nga, ang sabi ay nagiging abnormal daw ang anak ng nag-aasawahan na magkamag-anak.

Dr. Love

BROKAKAY

BROKOKOY

CAPIZ

DALAWANG

DEAR BROKOKOY

DR. LOVE

HANGGANG

ITUTULOY

MAGKAPAREHO

NATATAKOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with