^

Dr. Love

Ang kaibigan ko ay isang bilanggo

-
Dear Dr. Love,

Isa pong masaganang pagbati sa inyo at sa PSN staff.

Tawagin na lamang ninyo akong Miss Cancer ng Taguig, 23 years-old.

Isa po akong masugid na tagasubaybay ng column ninyo kung kaya't nais kong idulog ang sarili kong problema.

Mayroon po akong kaibigan sa panulat na isang bilanggo. Ang kaso po niya ay frustrated homicide.

Bagaman noong una ay hindi ko pinangangambahang maging kaibigan sa panulat ang isang bilanggo, tinakot naman ako ng aking kaibigan na babae na baka kaya lang daw nakikipagsulatan ito sa akin ay para may matakbuhan siyang matitirhan sa sandaling lumaya na ito.

Hindi ko po alam ang gagawin ko. Ititigil ko na ba ang pagsulat sa kanya o patuloy ko pa ring sasagutin ang mga sulat niya?

Umaasa po ako na mabibigyan ninyo ako ng payo para sa katahimikan ng aking isipan.Gumagalang,

Miss Cancer


Dear Miss Cancer,


Malungkot ang buhay sa kulungan. Humahanap lang ang ka-penpal mo ng kaibigan na mapagsasabihan niya ng kanyang mga problema sa buhay at makapagbibigay sa kanya ng panibagong pag-asa sa buhay.

Ang pakikipagsulatan mo sa isang bilanggo ay hindi nangangahulugan na makikipagligawan ka sa kanya kundi bahagi ito ng isang misyon na makapagsisi siya sa kanyang mga pagkakasala at mabigyan mo ng panibagong pag-asa sa buhay.

Hindi ka ba natutuwa na mayroon kang napapaligayang tao sa pamamagitan ng sulat?

Nasa iyo kung magpapatuloy ka o titigil na sa pagsagot ng kanyang liham sa iyo.

Ang bilanggong ito ay hindi nakapatay ng tao dahil ang kaso niya ay nabigong pagpatay.

Sana ay maliwanagan ka bago ka magdesisyon kung hihinto na ng pagsulat sa kaibigan mong bilanggo.

Dr. Love

BAGAMAN

DEAR MISS CANCER

DR. LOVE

GUMAGALANG

HUMAHANAP

ISA

ITITIGIL

MALUNGKOT

MAYROON

MISS CANCER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with