^

Dr. Love

Hindi ko na gustong bumalik sa aking pamilya

-
Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Isa po ako sa maraming tagasubaybay ng inyong malaganap na column.

Tawagin na lamang po ninyo akong Pisces Girl ng Sampaloc. Hiwalay na po ako sa aking asawa at sa kasalukuyan ay may ka-live in na balo na at may mga anak din tulad ko.

Iniwan ko po ang aking asawa't mga anak dahil hindi ko na matiis ang pananakit sa akin ng aking asawa. Nagpaalam ako sa kanila na magtatrabaho sa Maynila pero hindi na ako sumulat sa kanila para hindi nila ako matunton sa kinaroroonan ko.

Nang matapos ang kontrata ko sa amo ko sa Maynila, naisipan kong mamasukan sa probinsiya at dito ko nakilala ang aking live-in partner sa ngayon.

Malaki ang agwat ng aming edad. Nasa 70s na siya samantalang ako ay nasa 40s pa lamang. Apat ang anak niya at isa rito ay may asawa na.

Kasundo ko naman ang dalawa niyang anak matangi sa dalawa na ayaw akong kilalanin bilang stepmother nila. Isang anak niya ang tinanong ako kung bakit naisipan ko na makisama sa kanilang ama na matanda na.

Sinabi ko na kahit na matanda na ang kanilang ama ay mahal na mahal ko ito dahil nirerespeto niya ako. Mas mahal ko siya kaysa sa asawa ko.

Maraming nagpapayo sa akin na hiwalayan ko na ang partner ko dahil hindi ako matanggap ng dalawa niyang mga anak at walang kinabukasang naghihintay sa akin kung sakali't magkasakit ito at maiwanan ako.

Gusto naman akong pakasalan ng partner ko pero may una akong asawa at hindi naman legal ang paghihiwalay namin.

Ayaw ko nang bumalik pa sa tunay kong asawa. Ang problema ko lamang ay ang mga anak namin na nasa poder ng aking asawa.

Pisces Girl of Sampaloc


Dear Pisces Girl of Sampaloc,


Kung ang sarili mo lang ang iniisip mo, mananatili ka sa piling ng live-in partner mo habang siya ay buhay. Pero ang magiging malaki mong problema ay ang mga anak mo na nasa poder ng kanilang ama.

Maaaring kamuhian ka nila nang tuluyan at kung matutunugan ng asawa mo na mayroon kang kinakasama, maaari ka pang mademanda.

Hindi mo puwedeng takasan ang pananagutan mo bilang isang ina dahil nakahanap ka ng isang lalaking bagaman matanda na ay siya namang sumusustento sa iyo. Hindi mo maitatatwang napamahal na sa iyo ang matanda pero hindi ba dapat ay lutasin mo muna ang problema mo sa tunay mong asawa bago ka kumuha ng isa pa? Kawawa rin ang iyong mga anak.

Bakit hindi mo subakang magbalik muna sa inyo para alamin ang kalagayan ng inabandona mong mga anak? Pag-usapan din ninyong mag-asawa ang legal separation na siyang magpapalaya sa iyo sa pagkakagapos pa sa kanya.

Dr. Love

AKO

ANAK

ASAWA

DEAR PISCES GIRL OF SAMPALOC

DR. LOVE

MAYNILA

PISCES GIRL

PISCES GIRL OF SAMPALOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with