Nagluluksang puso

Dear Dr. Love,

I am one of your avid readers. I am from Noveleta, Cavite at this is my first time to write to you.

Kailangan ko po kasi ng advice ninyo. Just call me Ms. Libra, 16 years-old, a 4th year high school student.

Ang problema ko po ay ang biglang pagkamatay ng boyfriend ko na hindi ko matanggap. Tawagin na lang natin siyang Love. Nagkakilala kami sa phone hanggang sa magkita kami nang personal.

One day, nagsimula siyang manligaw sa akin at hindi nagtagal ay sinagot ko siya at naging kami. Ipinakilala ko siya sa parents ko.

Tumagal din ang aming relasyon at nabigla ako nang mabalitaan kong pumanaw na siya. Hindi ko ito mapaniwalaan at hindi ko matanggap. Labis ko itong dinamdam at kahit na nailibing na siya noong Martes, Feb. 4, 2003, ay hindi ko pa rin siya malimutan.

Kahit saan ako tumingin ay siya ang nakikita ko at kahit ano ang gawin ko ay bumbalik ang lahat ng happy memories namin. Pati nga pag-aaral ko ay napapabayaan ko na dahil hindi ko matanggap na patay na si Love.

Sana ay matulungan mo ako sa problema ko.

Lubos na gumagalang,
Miss Libra


Dear Miss Libra,


Lubhang napakasakit ng pagyao ng iyong mahal. Kami’y nakikiramay sampu ng staff ng PSN.

Ms. Libra, sa ayaw mo o sa gusto, dapat mong iwaksi sa isipan ang pagyao ng iyong mahal.

Bata ka pa para pabayaan ang iyong pag-aaral dahil sa pangyayaring iyon. Huwag mong kalimutang tumawag sa Poong Maykapal para malunasan ang iyong pagdaramdam.

Pagbuhusan mo ng panahon ang iyong pag-aaral at balang araw, makakatagpo ka rin ng lalaking magpapaligaya sa iyo.

Sa gulang mong ‘sweet sixteen,’ marami pang magagandang biyaya ang nakatakdang ibuhos sa iyo ng Panginoon.

Dr. Love

Show comments