^

Dr. Love

Malihim si misis

-
Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo sampu ng inyong mga kasamahan sa PSN. Sana ay nasa maayos kayong kalagayan sa lahat ng oras. Kaya po ako sumulat ay para humingi ng payo sa aking problema.

Ako po si R.M.N., nagtatrabaho sa State of Qatar. Naglilihim sa akin ang misis ko pero alam ko na ang kanyang mga ginagawa. Tumatawag ako sa bahay nang wala sa panahon at doon ko siya nahuhuli. Akala niya ay hindi ako tatawag. Yung mga anak ko ang ang nakakausap ko.

Pero hindi ko ito sineseryoso dahil mahal ko ang pamilya ko. Hindi baleng ako na lang ang wala huwag lang sila. Gusto kong makatapos ng pag-aaral ang mga anak ko at huwag matulad sa akin na mahirap lamang.

Maganda ang pangarap ko sa kanila kaya nga ako nagtitiis ng init at lamig dito. Una akong nag-abroad noong 1989 at hanggang ngayon. Hindi pa rin binabago ng asawa ko ang ugali niya kahit na lagi kong sinasabi sa kanya sa mga sulat ko na baguhin niya ang ugali niya.

Ayoko siyang saktan. Iba ako kapag nagalit. Patay kung patay at yun ang iniingatan ko. Sana ay ilathala mo itong sulat ko para mabasa ng asawa ko at para mabigyan mo rin ako ng advice.

Umaasa,
R.M.N.


Dear R.M.N.,


Di mo man sabihin, alam kong nagdududa ka sa katapatan ng misis mo. Mahirap sa mag-asawa ang nagkakalayo lalo pa't seloso ang isa.

Ngunit ang nagmamahalan ay kailangang may tiwala sa isa't isa. Huwag kang basta-basta hahatol na may maling ginagawa ang misis mo nang di mo napapatunayan.

Matuto ka ring manalangin ng mabigyan ka nang lakas sa lahat ng mga pagsubok na dumarating.

Dr. Love

AKO

AYOKO

DEAR R

DR. LOVE

HUWAG

KAYA

KUMUSTA

MAGANDA

SANA

STATE OF QATAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with