Simple Girl
January 29, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
A pleasant day to you and to all the readers of your column. Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong column na talaga naman pong kinapupulutan ng aral.
Itago na lamang ninyo ako sa pangalang Ms. Simple Girl ng Cavite, 21 years-old. Ang problema ko po ay tungkol kay Mallow na pansamantalang naninirahan sa aming bayan at nakasama ko sa trabaho.
Noong una, sa tuwing magkikita kami at magkakasalubong ay hindi kami nagpapansinan. Hanggang isang araw, habang pauwi ako galing sa trabaho, hindi ko inaasahang lalapitan niya ako upang makipagkilala.
Matagal na pala niya akong gustong makilala kaya lang ay natatakot siya dahil baka supladahan ko raw siya. Dito nagsimula ang pagkakaibigan namin. Simula noon, malimit na kaming magkasama. Naging malapit kami sa isa't isa at hindi naglaon ay nanligaw siya sa akin.
Hanggang sa may makapagsabi sa akin na may nobya na pala siya sa kanilang probinsiya na patuloy na tumatawag sa kanya. Nasaktan ako dahil sa maikling panahon na nagkakilala kami ay unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kanya. Ngunit wala akong magagawa kundi ang umiwas dahil ayokong ako ang maging dahilan ng hindi nila pagkakasundo ng kanyang nobya.
Simula noon, nagbago na ang samahan namin at alam kong nahihirapan din siya sa aming sitwasyon. Sa ngayon ay umuwi na siya sa kanilang probinsiya matapos ang kanyang kontrata sa trabaho. Ngunit bago siya umalis ay nagkausap kami at maayos siyang nagpaalam. Hindi ko maiwasan ang malungkot dahil minahal ko na rin siya.
Dr. Love, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nalilimutan. Ano po ang dapat kong gawin? Dapat ko ba siyang kalimutan na lang o patuloy na umasang siya'y babalik?
Umaasa po ako na matutugunan ninyo ang aking problema.
Lubos na gumagalang,
Simple Girl ng Cavite
Dear Simple Girl ng Cavite,
Kung hindi mo siya aalisin sa iyong alaala, ikaw din ang mapapasakitan.
Mabuti nga at bago lumalim ang inyong relasyon ay agad siyang nagtapat sa iyo na mayroon siyang kasintahan. Ibig sabihin, hindi siya tulad ng ibang lalaki na mapagsamantala.
Huwag mong guluhin ang iyong isip at sikapin mong limutin siya. Kung talagang mahal ka niya, iiwan niya ang nobya niya sa probinsiya at babalikan ka niya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended