Kanino dapat humingi ng tulong?
January 11, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Bago ang lahat, nais ko pong magpakilala sa inyong malaganap na column. Ako nga pala si Amelia, 18 taong-gulang at tapos ng Computer Programming.
Ang problema ko po ay tungkol sa pag-ibig na hinahadlangan ng aking nanay at kapatid na babae.
Nagkaroon kasi ako ng boyfriend. Siya ay 20 years-old, mas matanda sa akin ng dalawang taon.
Ang gumugulo sa aking isip ay kung saan ako puwedeng lumapit sa problema ko sa pag-ibig. Lahat naman po ay dumanas ng ganito at gusto kong mayroong magpayo sa akin sa larangang ito.
Dahil nga sa tutol ang aking ina at kapatid sa nagugustuhan kong binata na taga-Caloocan din, kanino na ako dapat humingi ng payo? Kaya nga po nilakasan ko ang loob ko para lumapit sa inyo.
Sana po ay mabigyan ninyo ako ng payo. Hindi pa man ay maraming salamat sa tulong ninyo.
Amy
Dear Amy,
Salamat sa pagtitiwala mo sa pitak na ito at sana nga ay makatulong kami sa problema mo.
Pero nalalabuan ako nang husto sa liham mo. Bakit tutol ang ina at kapatid mo sa boyfriend mo? May dahilan ba?
Kung mayroon kang dapat na lapitan para makapagbigay ng tamang payo sa iyo ay ang mga magulang mo. Walang magulang na nagpapayo nang hindi tama sa kanilang anak. Ang gusto lang nila ay pawang kabutihan para sa kanila.
Baka naman wala pang matatag na hanapbuhay ang boyfriend mo katulad mo. Hindi kaya nais lang ng nanay mo na magkaroon ka muna ng matatag na hanapbuhay at makatulong muna sa kanila?
Mayroong mga magulang na segurista lagi sa kapakanan ng anak at huwag mong masamain ito. Hindi sila hadlang sa inyong pag-iibigan. Maaaring hindi mo lang ganap na nauunawaan ang kanilang tunay na layunin. Kausapin mo sila nang masinsinan at tanungin kung ano ang ayaw nila sa boyfriend mo.
Huwag ka ring masyadong apurado sa pagpili ng nobyo. Bata ka pa at hindi lang siya ang lalaki sa mundo.
Good luck at igalang mo ang iyong mga magulang.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended