May anak sa labas
December 11, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa masugid ninyong tagasubaybay.
Tawagin na lamang ninyo akong Miss Libra, 20 years-old. Ang problema ko po ay tungkol sa manliligaw ko na crush ko noon pa pero binalewala niya iyon. Minsan ay pinangarap kong pansinin niya ako hanggang one time, may iniabot siyang sulat sa akin. Sabi niya ay kung puwede raw siyang manligaw.
Sinagot ko ang sulat niya at doon nagsimula ang panliligaw niya sa akin sa sulat. Minsan, may inabot na sulat ang kasamahan niya at nakalagay doon na may anak na siya sa labas. Dala lang daw iyon ng kalasingan.
May karapatan po ba sa kanya yung ina ng bata gayong hindi naman sila nagsasama? Hindi rin sila nagkikita. Ipinagtapat daw niya iyon sa akin dahil ayaw niyang magsinungaling. Mahal na mahal daw niya ako at hindi niya kayang mawala ako sa kanya. Ako lang daw ang babaeng minahal niya at niligawan. Handa raw siyang isakripisyo ang lahat para sa akin.
Handa raw siyang ipakilala ako sa mga magulang niya at handa rin daw siyang sumama sa akin para makilala ang mga magulang ko. Handa siyang ipaglaban ako.
Sa ngayon ay naguguluhan ako kung tatanggapin ko siya. Ano ang gagawin ko? Mahal na mahal ko po siya at siya ng aking mundo. Tatanggapin ko ba siya o kalilimutan na lang?
Gumagalang,
Miss Libra ng Antipolo City
Dear Miss Libra,
Kung sa bagay ay naging matapat siya sa iyo. Patunay iyon na seryoso siya na maging kasintahan ka na ihaharap sa dambana.
Pero pag-aralan mo ring mabuti ang kanyang pagkatao. Totoo bang hindi siya kasal sa babaeng ina ng kanyang anak?
Kung hindi ay walang hadlang para tanggapin mo siya. Pero kung gagawin mo iyan, harapin mo rin ang consequences ng kanyang pagkakaroon ng anak sa labas.
Posible na kapag kayo'y kasal na ay sustentuhan niya ang kanyang anak lalo pa't maghahabol ang ina nito.
Kung kaya mong tanggapin ito, walang problema.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended