Litung-lito ako nang araw na iyon. Hindi ko alam kung kanino ako lalapit at kung papaano mapapagaling ang anak ko na isang taon pa lamang pero may sakit nang meningitis. Lumalaki ang kanyang ulo at ang sabi ng duktor na tumitingin sa kanya, kapag hindi ito naagapan ay magkakaroon ng depekto ang kanyang pag-iisip.
Napapaiyak na lamang ako pero wala akong magawa. Kung ang mga duktor nga ay walang magawa, ako pa. Nang hapong iyon sa tanggapan ng Peoples Tonight kung saan ako nagtatrabaho bilang isang mamamahayag, dumating ang isang kapwa ko mamamahayag na ngayon ay isa nang lingkod ng Diyos at isa sa mga counselor ng Christ, the Living Stone Fellowship.
Sinabi ko sa kanya ang lahat ng mga nangyayari sa anak kong may sakit. Inalok niya akong dalhin ang problemang ito sa Panginoong Hesu Kristo sa pamamagitan ng panalangin. Sumang-ayon ako at nanalangin siya para sa kagalingan ng aking anak.
Ibinalik ko ang aking anak sa duktor at namangha ito dahil hindi na raw pumasok ang sakit na meningitis sa utak ng anak ko. Sabi niya, itoy isang malaking himala at tanging ang Diyos lang ang makagagawa nito. Naalala ko ang kaibigan kong mamamahayag na siyang ginamit ng Diyos para pagalingin ang aking anak. Ngayon ay malusog na ang anak ko at walang nararamdamang depekto sa kanyang pag-iisip pati na sa kanyang kaanyuan.
Salamat sa Panginoong Hesu Kristo na siyang nagpagaling sa anak ko.
N. Peñaranda
(Kung gusto ninyong makatanggap ng pagpapala, kagalingan, katugunan, kalutasan ng mga problema at anupaman, tumawag lamang sa 533-5171 at hanapin ang CLSF counselor.)