^

Dr. Love

Mahal ko pa rin siya

-
Dear Dr. Love,

Bago ang lahat, binabati ko kayo ng magandang araw gayundin ang iba pa ninyong mga kasamahan sa PSN.

Itago na lang ninyo ako sa pangalang Loraine, 17 taong-gulang. Gusto ko po sanang humingi ng advice sa nararamdaman ko pa hanggang ngayon sa isang lalaking naging boyfriend ko noong 15 years-old pa lang ako at siya naman ay 17 years-old noon.

Siya po ay malambing at masunurin at dahil sa mga katangiang ito ay minahal ko siya nang taos sa puso.

Nguni't sa hindi inaasahang pangyayari, nag-break kami dahil nalaman ko na bago pala ako ay naging girlfriend din niya ang kaibigan ko.

Masakit para sa kanya nang i-break ko siya pero nasaktan din ako nang husto dahil sa akala ko ay ako ang unang babae sa buhay niya.

Mula noon, hindi na kami nagkita pero lagi ko pa rin siyang naiisip.Hanggang isang araw, bigla na lamang kaming nagkita at hindi ko malaman ang gagawin ko. Nagkatitigan na lang kami pero wala kaming imikan. Nang paalis na kami, kinausap niya ang kaibigan ko.

Sumulat po ako sa kanya last month pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagre-respond sa akin. Mahal ko pa rin siya dahil siya ang first love ko.

Hihintayin ko po ang inyong payo.

Lubos na gumagalang,
Loraine



Dear Loraine,


Sa edad na 17, maaaring naisip mo na hindi naman naging kasalanan ng dati mong boyfriend kundi man ikaw ang naging una niyang girlfriend. Ang minasama mo lang siguro ay inilihim niya ang bagay na ito. Naglihim din ang kaibigan mo para hindi ito makaapekto sa damdamin mo sa kanya.Pagkaraan ng dalawang taon, maraming pagbabago ang nagaganap sa isang tao. Maaaring nakatagpo na siya ng iba na mas nakakaunawa sa kaya, hindi kaya?

Kung bakit mo pa kasi pinatagal bago mo siya sinulatan. Kung hindi niya sagutin ang sulat mo, huwag mo nang ipilit na mabuhay na muli ang dati ninyong relasyon.

Anyway, bata ka pa naman. Makakatagpo ka rin ng ibang mamahalin mo nang lubos at gayunin din ikaw sa kanya.

Talagang mahirap makalimutan ang first love at bihira rin ang nagkakatuluyan sa ganito.

Sana ay pagbutihin mo muna ang pag-aaral mo at makakatagpo ka rin ng ibang higit na uunawa sa iyo or next time na magka-boyfriend ka, be reasonable.

Dr. Love

AKO

DEAR LORAINE

DR. LOVE

HANGGANG

HIHINTAYIN

ITAGO

LORAINE

LUBOS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with