^

Dr. Love

Walang suwerte sa pag-ibig

-
Dear Dr. Love,

I’m one of your avid readers. Lumiham po ako dahil kailangang-kailangan ko ang inyong mahalagang payo.

I came from Leyte pero I’m here in Manila right now to work. Tawagin mo na lang akong Miss Leo, 26 years-old at naninirahan sa Pasay City.

Noon pong 19 years-old ako, nagpakasal ako sa isang lalaking noong una ay inakala kong magbibigay sa akin ng magandang kinabukasan. Pero kalbaryo pala ang ibibigay niya sa akin. Iresponsable siya at halos lahat ng bisyo ay nasa kanya. Apat na taon akong nagtiis na makisama sa kanya sa pag-aakalang magbabago siya. Pero bigo ako. Hindi kami nagkaanak.

Na-ospital ako sa pagdadalamhati at pag-iisip sa sinapit ko. Bago ito, nagkahiwalay kami dahil may dinala siyang ibang babae sa bahay.

Walang-wala akong pera at pinabayaan niya ako. May isang taong nag-alok ng tulong sa akin. May asawa na siya. Tinanggap ko ang tulong niya hanggang sa mahulog na ang loob ko sa kanya. Nagsama kami kahit na alam kong may asawa siya at anak.

Nagkaroon kami ng isang anak sa bawal na pag-ibig. Nakaabot ito sa kaalaman ng kanyang asawa kaya napilitan akong lumayo at magtago.

Nagsisisi na ako sa ginawa kong pagpatol sa isang may pananagutan na. Ang anak ko ay iniwan ko sa aking mga magulang pero pinagbabantaan niya akong kukunin ang aking anak sa sandaling hindi ako makipagbalikan sa kanya.

Ano po ang dapat kong gawin? Mahal ko po ang anak ko. May nanliligaw sa akin pero natatakot na akong pumatol ulit dahil nadala na ako sa mga naging karanasan ko. Nagbabakasali rin po akong makapagtrabaho sa abroad. Tanggap ko na po na wala akong suwerte sa pag-ibig.

Miss Leo


Dear Miss Leo,


Huwag kang mawalan ng pag-asa na ang isang tulad mo ay hindi na liligaya sa hinaharap. Pero unahin mo kung paano mo gagawing legal ang paghihiwalay ninyong mag-asawa at kung paano mo bubuhayin ang anak mo.

Huwag kang matakot sa mga banta niya. Pagbutihin mo ang pagtatrabaho at ituloy mo rin ang plano mong pag-aabroad para tuluyan mo nang makalimutan ang masaklap mong karanasan sa buhay. Pero bago ka umibig sa iba, pakaisipin mong mabuti kung ito ay tunay na, walang sabit at hindi mo mapapabayaan ang obligasyon mo sa iyong anak.

Dr. Love

AKO

AKONG

ANAK

ANO

DEAR MISS LEO

DR. LOVE

HUWAG

MISS LEO

PASAY CITY

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with