^

Dr. Love

Nakaalis ang anak pa-London dahil sa panalangin

-
Bilang mga magulang, wala kaming ibang hangad kundi mapabuti ang kinabukasan ng aming anak. Kaya pinagsikapan naming mag-asawa na makatapos ng pag-aaral ang aming anak. Salamat naman at hindi kami nabigo. Pinagbutihan niya ang kanyang pag-aaral ng Physical Therapy course at nakapasa siya sa board exams.

Pero nahirapan siyang makakuha ng trabaho. Siya pa naman ang tangi naming inaasahan na tutulong sa mga nakababata niyang kapatid na makatapos din ng kanilang pag-aaral.

Pero may awa talaga ang Diyos. Nabasa ko ang kolum na ito at nabuhayan ako ng loob. Tumawag ako at nakausap ang isang counselor ng Christ, the Living Stone Fellowship. Sinabi ko sa kanya ang aking problema. Hiniling ko na matanggap ang aking anak sa London bilang isang Physical Therapist.

Napaiyak ako sa mataimtim na panalangin ng counselor. Lumipas ang isang linggo, tinawagan ang aking anak at doon namin nalaman na natanggap na pala ito at makakaalis na siya patungong London. Napakabilis ng mga pangyayari. Salamat sa Panginoong Hesus sa Kanyang mabilis na pagtugon sa aming panalangin. – Belen
* * *
(Kung gusto ninyong makatanggap ng pagpapala, kasagutan, kagalingan at kapahingahan, tumawag lamang sa 533-5171 at hanapin ang CLSF counselor.)

BELEN

BILANG

DIYOS

HINILING

KANYANG

LIVING STONE FELLOWSHIP

PANGINOONG HESUS

PERO

PHYSICAL THERAPIST

PHYSICAL THERAPY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with