^

Dr. Love

Maging magkaibigan na lang

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. I am one of your avid readers. Just call me John, 22 years-old.

This is my second time to write to you. My first letter was published last April 19, 2000 at dahil sa liham na iyon, tumanggap ako ng napakaraming sulat hindi lang mula sa loob ng bansa kundi maging sa abroad. Isa sa mga nakasulatan ko ang nakarelasyon ko pero tumagal lang ito nang hanggang 10 buwan.

Tumanggap ako ng sulat mula sa kanya na nagsasabing nakahanap na siya ng ibang pumalit sa akin sa kanyang puso. Naging matapat ako sa kanya sa panahong mag-on kami sa panulat.

Ang babaeng ito ay isang Kristiyano. Tinawagan ko siya at kinumpirma niyang wala na kami. Kung gusto ko raw ay maging magkaibigan na lang kami.

Minahal ko siya nang tapat pero kailangang tanggapin ko na may iba na siyang mahal. Ibinigay ko sa kanya ang kanyang kalayaan.

Ang problema ko ay gusto niyang magpatuloy kami ng komunikasyon bilang magkaibigan. Payuhan po ninyo ako.

Gusto ko ulit magkaroon ng mga kaibigan. Ang aking cell # ay 0916-5614807.

More power to you and may God continue to give you His blessings.

John


Dear John,


Wala akong nakikitang masama kung magpatuloy man kayo ng komunikasyon ng dati mong nobya sa pamamagitan ng panulat. Malay mo, sa tagal-tagal ng pagsusulatan ninyo ay muling manumbalik ang pagtingin niya sa iyo.

Kung minsan, kahit mahal mo ang isang tao, kung nangungulila ka ay ibang tao ang napagbubuntunan ng atensiyon at nalilipat ang pagtingin sa taong laging kasama.

Inaasahan kong sa pamamagitan ng liham mong ito ay muling darami ang mga kaibigan mo.

Good luck.

Dr. Love

DEAR JOHN

DR. LOVE

IBINIGAY

INAASAHAN

ISA

KRISTIYANO

PAYUHAN

TINAWAGAN

TUMANGGAP

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with