Nang dahil sa pag-ibig
October 4, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Kumusta na po kayo? Sumulat po ako sa inyo dahil gusto kong ibahagi sa inyo ang aking problema.
May boyfriend po ako. Pero siya ay pinsan ko. Ang lola ko at nanay niya ay magkapatid. Mahal na mahal po namin ang isat isa. Lahat ng tulong at sakripisyo ay ibinigay niya sa akin.
Sa simula pa lamang ay alam na namin na magpinsan kami. Ipinagtapat ko ito sa Mama at mga kapatid ko at tumutol sila sa aming relasyon. Galit na galit sila sa amin.
May nangyari na po sa amin. Niyaya niya akong pakasal. Sa ngayon ay nagsasama na kami na parang mag-asawa. Isinama niya ako sa trabaho niya. Isa po siyang mananahi.
Hindi po alam ng amo niya na nagtanan lang kami. Tutulungan po kami ng kanyang amo na makasal sa lalong madaling panahon. Hindi ko po alam kung paano ko ito ipapaalam sa pamilya ko.
Tulungan mo sana ako.
Lubos na nagpapasalamat,
Marilyn Tanay ng Bulacan
Dear Marilyn,
Hindi mo siya pinsan. Tiyo mo siya. Ang nanay niya ay kapatid ng lola mo kaya ang nanay niyay lola mo rin. At kung anak siya ng lola mo, eh di uncle mo siya.
Pero nagsasama kayo at tumutol man ang mga paryente ninyoy ano pa ang magagawa nila?
Kung nasa edad na kayo kapwa, ituloy ninyo ang gusto ninyo pero maaaring matagalan pa bago mapawi ang galit sa inyo ng inyong mga kaanak.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended