Nagbago na ang feelings
October 1, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Kumusta na po kayo? Sa unang pagkakataon, dumulog po ako sa pitak ninyo para ihingi ng payo ang problema ko sa puso.
Tawagin na lamang po ninyo akong Ms. Libra, 15 years-old at third year high school. May boyfriend po ako at six months kaming nagsama dito sa Pilipinas. Umalis na po siya ng bansa. Almost nine months siyang nawala at nang bumalik siya, nakipag-break siya sa akin dahil nagbago na raw ang feelings niya. Naging mayabang na po siya.
Ewan ko po kung may iba pang dahilan kung bakit siya nakipagkalas sa akin. Pero hindi ko po talaga alam ang dahilan.
Mahal na mahal ko po siya. Paano ko po ba siya mapapabalik sa akin? Ano po ang dapat kong gawin para bumalik siya sa akin? Mamamatay po ako kapag hindi kami nagkabalikan.
Sana ay matulungan ninyo ako.
Ms. Libra
Dear Ms. Libra,
Sobrang bata mo pa para sumuong sa isang seryosong relasyon. Ang sabi mo, anim na buwan kayong nagsama bago siya umalis. Nagbunga ba ang inyong pagsasama?
Maaaring nagpalamig muna siya sa abroad kaya siya umalis dahil talagang ayaw na niyang lumawig pa ang inyong relasyon.
Kung hindi naman nagbunga ang relasyon ninyo, mahina-hina ang paghahabol mo matangi sa pangyayaring menor de edad ka nang maganap ang pagsasama ninyo. Menor de edad din ba ang naging boyfriend mo?
Mahirap nang pilitin pa ang isang umaayaw nang lalaki lalo pa ngat kung ang pamilya niya ay tutol sa inyong relasyon. Hindi kaya sila ang dahilan kung bakit umalis ng bansa ang boyfriend mo?
Hindi ba alam ng mga magulang mo ang nangyari sa inyong dalawa? Makakatulong sila para panagutan ng boyfriend mo ang nangyari sa inyong dalawa.
Kung ako naman sa iyo, limutin mo na lang ang nagtalusira mong nobyo. Mahina pala siya at takbuhin.
Naway maging aral sa iyo ang masaklap na karanasang ito na nangyari sa buhay mo.
Idalangin mo na lang na sana ay maging matibay ang puso mo sa suliranin mo at pakaisipin mong mabuti ang maaaring kahinatnan ng buhay mo sakalit magpumilit kang ipagpilitan ang sarili sa isang lalaking umaayaw na.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am