Puwede ko ba siyang ligawan uli?

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Ikalawang sulat ko na po ito sa inyong column. Just call me Ryan.

My situation is like this. Fourth year college na po ako sa kursong Nursing. Second year po ako nang makilala ko si Annalyn.

Classmate ko po siya noon sa kursong Biology. Noong una ko siyang makita, alam kong gusto ko siya. Pero ang damdam ko ay wala akong pag-asa kaya itinigil ko na ang lahat.

Nakatapos na siya sa kurso niya. Naisip ko, mas mabuting hindi ko na siya makita para makalimutan ko na siya. Akala ko ay iyon na ang huli naming pagkikita. Hindi pa pala. Nabatid ko na nag-enrol siya sa kursong Nursing. Muling nabuhay ang pagmamahal ko sa kanya.

Alam ko po na gusto ko siya but this time, nalaman ko na may boyfriend na pala siya.

Dr. Love, tama po bang ligawan ko siyang muli kahit na may bf na siya? Mahal na mahal ko po siya. Noon ay hindi kami nag-uusap pero ngayon, kahit paano ay nagkakausap kami lalo na ngayong iisa lang ang kursong kinukuha namin.

Inaasahan ko po ang inyong sagot sa lalong madaling panahon.

Truly yours,
Ryan



Dear Ryan,


Wala namang masama kung lumigaw ka sa isang babaeng may bf na. Ang mahalaga, masabi mo kung ano ang nasa loob mo na hindi mo nasabi noon.

Makagagaan ito sa dinadala mong problema. Kaya lang ay huwag kang masyadong umasa na sasagutin ka niya dahil nga may bf na siya. Sa kabilang dako, baka naman may lihim din siyang pagtatangi sa iyo na hindi naman nabigyan ng kaganapan dahil naduwag ka noong magsabi na mahal mo siya.

All is fair in love and war, so they say, kaya huwag kang matakot na magsabi ng iyong damdamin. Pasensiya ka na nga lang kapag sinabi niyang huli ka nang dumating sa buhay niya. Pero malay mo, hindi pa naman siya kasal kaya kahit huli kung magaling ay maihahabol pa rin.

Cheer up. Huwag mong kulungin sa dibdib ang nararamdaman mo sa babaeng iyong itinatangi.

Dr. Love

Show comments