^

Dr. Love

Crush ni TG

-
Dear Dr. Love,

Allow me first to greet you. Kumusta na po kayo? First time ko pong sumulat sa inyo.

Just call me T.G., 18 years-old. Sa edad ko pong ito ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Hindi sa strict ang parents ko kundi ayaw ko pa po talagang magka-boyfriend. But I have crushes. Hindi naman po ito masama, hindi po ba?

Gusto ko pong humingi ng payo sa inyo. Ano po ang gagawin ko para magustuhan ako ng aking crush? Sa dami po ng naging crush ko ay iba ang feelings ko para sa kanya. Just call him Jan. Naiisip ko po na baka true love na ang nararamdaman ko para sa kanya. Paano ko po kaya siya mapapaibig? Kahit na ako na po ang gagawa ng paraan. I think he is 25 years-old. Pero age does not matter, hindi po ba?

May feelings po kaya siya sa akin? Kapag nagkakatitigan kami ay nginingitian niya ako at yung titig niya ay parang may meaning. Sana po ay matulungan ninyo ako sa aking problema para mapalapit ako sa kanya and vice versa. Hihintayin ko po ang inyong sagot.

Your avid reader,

T.G.


Dear T.G.,


The first step is friendship. Kung ngumingiti siya sa iyo, I’m sure open siyang makipagkaibigan.

Pero tama ang sabi mo. Hindi ka dapat magpakita ng motibo sa kanya. Magiging cheap ang dating mo at hindi ka igagalang.

Kung kaibigan mo na siya, panahon lang ang makapagsasabi kung liligaw siya sa iyo. Good luck.

Dr. Love

AKO

ANO

BUT I

DEAR T

DR. LOVE

HIHINTAYIN

JAN

KAHIT

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with