^

Dr. Love

Panalangin ang hiling

-
Dear Dr. Love,

Good day to you!

Ako po si Juliet C. Sales ng Bicol, avid reader ng inyong pahayagan. Sumulat po ako sa inyo upang humingi na sana ay inyong ipanalangin dahil mayroon po akong suliranin na napakatagal ng katugunan at medyo pinanghihinaan na ako ng loob kung minsan.

Gusto ko po sanang magkaroon ng kahit isang anak. Pitong taon na kaming nagsasama na mag-asawa pero hindi pa po kami nabibiyayaan ng anak. Natatakot po ako na baka wala na akong pag-asa pang magkaanak sa edad na 39.

Isa pa po, isama na rin ninyo sa panalangin na permanente nang makapagturo ang asawa ko at magandang kalusugan sa aking ina na na-stroke.

Sana po ay matulungan ninyo ako sa mga kahilingang ito.

Nagpapasalamat,
Juliet



Dear Juliet,


Hanga ako sa iyong pananampalataya. Talagang Diyos ang unang dulugan ng ating mga pangangailangan.

Honor God in everything you do and He will give the desire of your heart.

I’m sure marami tayong Christian readers na mananalangin para sa iyong pamilya.

Pero kayo bang mag-asawa’y sumangguni na sa duktor? Ang mga duktor ay instrumento ng Diyos kaya huwag kayong mag-atubiling kumonsulta.

God bless you and may bless you with good and God-fearing children. It’s never too late and nothing is impossible with God.

Dr. Love

AKO

BICOL

DEAR JULIET

DIYOS

DR. LOVE

HANGA

HONOR GOD

ISA

JULIET C

TALAGANG DIYOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with