^

Dr. Love

Huwag maniwala sa tsismis

-
Dear Dr. Love,

Isa po ako sa marami ninyong tagasubaybay at umaasa ako na matutulungan ninyo ako.

Ako po si Miche, 14 years-old. Ang problema ko po ay tungkol kay Mr. V. Siya po ang ex-boyfriend ko at nag-break kami dahil kung anu-anong mga balita ang nakakarating sa akin laban sa kanya na siyempre ay ikinasasama ng loob ko dahil mahal ko siya.

Pero kapag magkasama po kami ay hindi ko naman nakikita sa kanya ang mga tsismis na yun. Pati mga kapatid ko, ang sabi ay naninigarilyo daw siya pero hindi ako naniniwala dahil hindi ko naman nakikita.

Nakikipagbalikan po siya sa akin pero nahihiya po ako dahil ako ang may kasalanan ng break-up namin. Isa’t kalahating taon din po niya akong niligawan. Sa tingin po ba ninyo ay dapat pa akong makipagbalikan sa kanya?

Umaasa ng inyong sagot,

Miche


Dear Miche,


Kung totoong mahal mo siya, hindi ka dapat maniwala agad sa tsismis. Kapag may nabalitaan kang masama tungkol sa kanya, kausapin mo siya at alamin ang totoo.

Pero 14 anyos ka pa lang at napakabata. Marami pang bagay ang dapat mong bigyan ng prioridad tulad ng pag-aaral.

Magsimula kayong muli bilang magkaibigan at pareho ninyong asikasuhin ang inyong pag-aaral.

Panahon lang ang makapagsasabi kung kayo nga’y para sa isa’t isa.

Dr. Love

AKO

DEAR MICHE

DR. LOVE

ISA

KAPAG

MAGSIMULA

MARAMI

MR. V

NAKIKIPAGBALIKAN

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with