Naglihim ako sa kanya
June 25, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa libu-libo ninyong mambabasa at sa pamamagitan ng pitak na ito ay nais kong mapalaya ang problemang kinakaharap ko sa kasalukuyan.
Ako po ay isang dalagang-ina. Mayroon akong dating ka-live-in pero hindi niya alam na nagkaroon ng bunga ang halos isang taon naming pagsasama sa ilalim ng iisang bubong.
Umalis ako nang walang paalam dahil ayaw niyang magka-baby kami. Ako naman ay sabik nang magkaroon ng anak.
Umuwi ako sa amin sa Pagadian mula sa Cebu nang ma-delay ang aking buwanang dalaw at ipinagtapat ko sa aking pamilya ang aking problema. Humingi rin ako sa kanila ng tawad.
Sa ngayon ay pitong buwan na ang aking baby. Balita ko ay nag-aaral uli si Benjamin para matuloy ang ambisyon niyang sumakay ng barko. Wala kaming natatanggap na sustento mula sa kanya at hindi ko alam kung nakaabot na sa kaalaman niya na nagkaanak kami.
Sa kasalukuyan ay naririto ako sa Maynila para mamasukan at ang baby ko naman ay iniwan ko sa pangangalaga ng aking ina.
Paminsan-minsan ay iniiyakan ko ang nangyari sa aking buhay. Hindi ko rin ganap na alam kung talagang wala na nga akong pagtingin sa ama ng aking anak. Pero ang mas mahalaga ngayon ay ang aking anak na lalaki na siya kong pinaghandaan ang kinabukasan.
Kailangan ko pa bang ipagtapat sa kanya ang lahat? Hangad ko ang inyong payo.
Jeannie
Dear Jeannie,
Isa kang pambihirang babae. Marahil, ikaw pa lang ang lumiham sa pitak na ito na hindi marunong maghabol ng sustento para sa anak.
Gayunpaman, ikaw naman mismo ang siyang nagpasyang ipaglihim ang pagdadalantao at iniwan mo ang nobyong ayaw magkaroon ng bunga ang inyong pagsasama.
Ikaw ang nagpasya niyan. Subalit para lang naman sa kabutihan ng anak mo, mas makabubuting ipaalam mo sa nobyo mo na nagkaroon ng bunga ang inyong pagsasama. Kung ikaw man ay bigyan niya ng sustento o hindi, mas makabubuting ipaalam mo ang tungkol sa bata.
Tatagan mo ang dibdib mo sa pagiging isang dalagang-ina. Darating ang panahong maghahanap ng isang ama ang anak mo at ngayon pa lang ay paghandaan mo na kung paano mo ipaliliwanag ang lahat. Manalangin ka para gabayan ka ng Diyos sa pagsalunga sa buhay at hangad namin ang kaligayahan mo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended