Naisip niyang mangibang-bansa para guminhawa ang kanyang pamilya. Nag-apply siya at pumasa. Pero hindi siya agad makaalis dahil may sakit siya sa baga at kinakailangang sumailalim siya sa gamutan sa loob ng anim na buwan.
Maraming gamot ang inireseta ng doktor na tumingin sa kanya. Mahal ang mga gamot. Nabasa ko ang kolum na ito at agad akong tumawag sa counselor ng Christ, the Living Stone Fellowship.
Pinaliwanagan ako ng counselor hinggil sa ginawa ng Panginoong Hesus sa krus ng kalbaryo. Dala-dala lahat ng Panginoong Hesus ang ating mga kasalanan at pati na ang ating mga karamdaman at sakit. Sa krus, pinawi Niya ang lahat ng sumpa bunsod ng kasalanan.
Matapos niya akong paliwanagan, pinapanalangin niya ang sakit ng aking anak. Nang bumalik kamakailan ang aking anak sa doktor na tumitingin sa kanya, ineksamin siya at laking gulat nito dahil unti-unti nang gumagaling ang sakit niya sa baga. Sinabi ng doktor na imbes na anim na buwan, isang buwan na lang ang magiging gamutan at maaari na itong mangibang-bansa.
Itinawag ko sa counselor ang sabi ng doktor. Pinapanalangin niya ang anak ko at alam ko na siyay tuluyang pagagalingin ng Panginoong Hesus.
Mita Gabriel
Pasig City
(Kung nais ninyong makatanggap ng pagpapala, kagalingan, katugunan sa mga pangangailangan o anupa- man, tumawag lamang sa tel. bilang 533-5271 at 533-5179 at hanapin ang CLSF counselor.)