Sana ay ikaw na nga

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo diyan sa PSN?

Isa po ako sa masugid na mambabasa ng Pilipino Star NGAYON lalo na ang inyong column. Sana po sa pamamagitan ng malaganap ninyong babasahin ay matulungan ninyo akong makatagpo ng isang makakatuwang sa buhay.

Ako po ay 54-anyos but still pretty, alive and kicking. I can still be a good partner in life. I prefer foreigner, 60 years-old and above. Ang hinahanap ko pong makakatuwang ko sa buhay ay yaong matapat at malinis ang puso. I promise to serve him and love him for the rest of my life and hope he will do the same to me.

Ako po ay namasukan ng DH sa Singapore at nitong huli ay sa Italy. Walong taon po akong namasukan na DH sa nabanggit na mga bansa.

Umuwi lang po ako sa Pilipinas nang magkasakit ang aking asawa. Sa kasamaang-palad ay sumakabilang-buhay na siya. Kaya ngayon heto ako, naghahanap ng isang makakatuwang muli sa buhay.

So please help me. Marunong po akong tumanaw ng utang na loob. Please don’t give my name and address. Just give to those who are interested. Thank you.

Cely (0917-4990130)



Dear Cely,


Ang pitak po natin ay para lang sana sa mga may problema sa puso subali’t dahil ang problema mo naman ay paghahanap ng makakatuwang sa buhay matapos mamatay ang iyong kabiyak, napagdesisyunan kong ilathala na rin ito.

Bakit naman foreigner pa ang nagugustuhan mo. Hindi ba pupuwede ang local breed na talisuyo?

Hindi ko gustong tawaran ang kuwalipikasyong nais mo kung kaya’t sa pamamagitan sana ng pitak na ito, sana ay may magkainteres sa iyo na tama sa panlasa mo. Siyanga pala, nagdesisyon akong ilagay ang cell no. mo dahil hindi na kami nagpapatawag sa opisina para kunin ang address ng nagpapahanap ng mga kaibigan sa panulat dahil maraming nanloloko sa telepono. Sana ay maunawaan mo ito.

Good luck and keep hoping.

Dr. Love

Show comments