^

Dr. Love

Nakaanim nang bf kahit hindi mahal

-
Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Hello rin sa lahat ng mga taga-PSN.

Sumulat po ako dahil nais kong humingi ng payo. Hindi ko po alam ang gagawin ko ngayon dahil mayroon akong boyfriend na gusto ko nang kalasan dahil natuklasan kong hindi ko pala siya mahal.

Pang-anim ko na po siyang nobyo na pawang hindi ko mahal. Sa ngayon po, sinabi sa akin ng aking mga barkada na mayroon daw gustong manligaw sa akin pero ayaw naman nilang sabihin kung sino.

Tuwing tinatanong ko sila kung ano ang pangalan ng tagahanga kong ito, tumatanggi silang sabihin ang kanyang pangalan. Ang tanging mapagkikilanlan ko lang sa kanya ay letter J.

Marami rin po ang nagsasabi sa akin na nangongolekta lang ako ng nobyo at niloloko ko lang lang mga ito.

Sa totoo lang po, wala naman akong intensiyong manloko. Natutuklasan ko na lang na hindi ko pala mahal ang mga lalaking nakarelasyon ko kaya kinakalasan ko sila.

Natatakot po ako na baka bawian nila ako at tuloy makarma ako sa pangyayaring ito. Payuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Myra


Dear Myra,


Hindi nga magandang mabansagan ang isang babae na collector ng boyfriend at sinasagot ang bawat lalaking manligaw kahit hindi naman pala gusto.

Hindi kaya dahil sinasagot mo ang isang manliligaw ay para lang mayroon kang masasabing boyfriend at para hindi ka malungkot sa pag-iisa?

Ito ay isang payong kapatid lang. Kilalanin mo muna ang lalaking nanliligaw sa iyo bago mo sagutin. Bakit laging huli na kung matuklasan mo ang sarili mo na hindi mo pala mahal ang sinagot mong manliligaw?

Hindi lahat ng lalaki ay madaling kalasan. Mayroong ayaw masabing kinalasan ng isang babae dahil ang gusto naman nila ay sila ang nang-iiwan.

Kung talagang hindi mo mahal ang kasalukuyan mong boyfriend, maging matapat ka sana sa kanya.

Sabihin mo ang real score. At huwag mo ring patulan ang mga sinasabi ng barkada mong nais manligaw sa iyo. Baka naman iniistir ka lang nila dahil nga sa ugali mong iyan.

Good luck.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BAKIT

DAHIL

DEAR MYRA

DR. LOVE

GUMAGALANG

KILALANIN

LANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with