^

Dr. Love

Pinagaling ako ni Hesus

-
Dear Dr.Love,

Nang mabasa ko ang column ni Bro. Danny, hindi ako nagdalawang-isip na tawagan ang mga counselor ng Christ, the Living Stone Fellowship. Kasi ay gusto kong makatanggap ng kagalingan sa aking kanang tainga. Simula nang bulungan ako ng masamang espiritu, hindi na makarinig ang kanang tainga ko. Pakiwari ko’y binarahan ng bato ang loob nito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Alanganin ako na magpatingin sa doktor dahil hindi sila naniniwala sa mga masasamang espiritu o spiritual realm. Dala-dala ko ang ganitong sakit sa loob ng mga ilang buwan hanggang sa mabasa ko ang kolum na ito kamakailan lamang.

Tinawagan ko ang isa sa mga counselor ng CLFS. Kinausap niya ako at sinabi ko ang sakit ko at ang dahilan nito. Ipinanalangin niya ako at habang siya ay nananalangin, nakaramdam ako ng init na pumasok sa loob ng aking kanang tainga. Naramdaman kong may nabunot sa loob nito at bigla na lamang akong nakarinig. Hindi ko napigilan ang pag-iyak.

Matapos siyang manalangin, sinabi ko agad na ako’y nakatanggap ng kagalingan galing sa Panginoong Hesu Kristo. Salamat sa kabutihan ng Diyos. Ngayon, alam ko na kahit na anong uri ng mga problema, kayang-kaya itong lutasin ng Diyos. Hindi Niya tayo pababayaan dahil mahal Niya tayo.

Luz Daiz
Greenfield, Marytown,
Novaliches, QC


(Kung nais ninyong makatanggap ng pagpapala galing sa Diyos, kagalingan, pangangailangan, payo o ano pa man, tumawag lamang sa telepono bilang 533-5171 o 533-5179 at hanapin ang CLSF counselor.)

vuukle comment

AKO

ALANGANIN

DALA

DIYOS

GREENFIELD

HINDI NIYA

LIVING STONE FELLOWSHIP

LUZ DAIZ

PANGINOONG HESU KRISTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with