Pinagaling ako ni Hesus sa bingit ng kamatayan
April 15, 2002 | 12:00am
Dear Dr.Love,
Inatake ako ng pangalawang stroke. Paralisado ang buo kong katawan. Utal-utal na akong magsalita dahil umuurong ang aking dila. Paminsan-minsan ay blangko ang aking isipan. Samakatuwid, nasa bingit na ako ng kamatayan. Tatlong linggo na akong nakahiga sa aking ward sa FEU Hospital sa Morayta, Manila. Sa aking isip, inaakala kong hindi na ako makakaligtas sa atakeng ito ng hypertension.
Subalit nagkamali ako sa aking akala. Isang araw, dinalaw ako ni Bro. Danny sa ospital. Bilang magkaibigan noon pa man sa pagiging dyarista, sinabihan niya ako na wala na talaga akong pag-asa na mabuhay pa maliban sa Panginoong Hesus.
Sabi niya sa akin, hindi ako masasalba sa kalagayan ko ng aking karunungan o kahit sino pa man maliban lamang kay Hesus. Baka sakali raw ay pagalingin ako ni Hesus.
"Hawakan mo ang aking kamay," sabi niya sa akin para raw ipanalangin niya ako. Hinawakan ko ang kamay ni Bro. Danny habang tumutulo ang aking luha. Idinadalangin niya ako sa Panginoong Hesus para sa aking kagalingan.
Matapos niya ako ipanalangin, nakakilos ang buo kong katawan. Naging matuwid na ang aking pagsasalita at hindi na nabablangko ang aking pag-iisip. At ang aking blood pressure na mataas ay biglang bumaba. Samakatuwid, akoy pinagaling ng Panginoong Hesus. Nagulat na lamang ang doctor. Hindi siya makapaniwala na akoy magaling na. Akala niya ako ay matutuluyan sa aking sakit.
Nagpapasalamat ako sa ating Panginoong Hesus at pinagaling niya ako. Pagkaraan ng tatlong araw matapos akong ipanalangin ni Bro. Danny, akoy nakalabas na sa ospital. Salamat at ginamit si Bro. Danny ng Panginoong Hesus para maging daluyan siya ng pagpapala ng Diyos sa mga taong kagaya ko. Alam ko na gagamitin siya ng Diyos sa marami pang mga tao para matugunan ang kanilang mga pangangailangan kagaya ko.
Doming Mirasol
Kamachili, Caloocan City
( Kung nais ninyong ipapanalangin para makatanggap ng kagalingan, katugunan sa mga suliranin at mga pagpapala ng Diyos, tumawag lamang sa tel. bilang 533-5171 at 533-0017 at hanapin si Sarah Quiambao.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am