^

Dr. Love

Kailangan ang pag-ibig sa relasyon

-
Dear Dr. Love,

Kumusta ka na? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan sampu ng buong staff ng PSN. Isa ako sa masusugid na tagasubaybay ng iyong kolum at nawa ay matulungan mo ako sa aking problema.

Isa akong dalagang-ina. May isa akong anak na kailangang-kailangan ng pagmamahal at guidance ng isang magulang sa kanyang paglaki, lalo na ngayon na magbibinata na siya. Gustuhin ko mang matugunan ang kanyang mga pangangailanan ay hindi ko magawa dahil ako ay nasa mahigpit na pagsubok ng aking buhay.

Dr. Love, gusto ko sanang magkaroon ng mga kaibigan sa pamamagitan ng iyong column. Kung sinuman ang makakatulong sa akin kahit na siya na rin ang makasama ko habambuhay basta walang sabit (kahit na biyudo o matandang-binata).

I’m 30 years-old. Hindi naman ako pangit. Sana sa pamamagitan mo’y matagpuan ko ang lalaking makakasama ko habambuhay, iyong tatanggap at magmamahal sa aming mag-ina sa kabila ng lahat.

Hanggang dito na lang at lagi kong dalangin na nawa’y marami ka pang matulungan at Diyos na ang bahalang gumanti sa iyong kabutihan. God bless and more power.

Myra Fria
C.I.W. Compound
9 de Pebrero, Mandaluyong City 1550



Dear Myra,


I hope you won’t mind kung inilabas ko na ang real name at address mo. Ito na kasi ang ginagawa namin dahil maraming mga nanloloko sa telepono kapag sinabi naming tumawag na lang sa tanggapan ng PSN para kunin ang address ng humihingi ng penpal.

Mahirap talaga ang maging single parent. Ngunit kung maghahanap ka ng partner para makatuwang lang sa pagpapalaki ng iyong anak, sa palaga’y ko’y mali ito. Baka magdulot lang ng mas mabigat na problema pagdating ng araw.

Kung hahanap ka ng life time partner, tiyakin mong ang lalaking itoy’ mahal mo at magmamahal din sa iyo at sa iyong anak.

Hindi dapat isaisantabi ang pag-ibig dahil lang sa pangangailangan.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR MYRA

DIYOS

DR. LOVE

GUSTUHIN

HANGGANG

ISA

MANDALUYONG CITY

MYRA FRIA

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with