Kuya ko ang ama ng dinadala ko
January 17, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Sana po sa aking pagsulat ay nasa mabuti kayong kalagayan. Sumulat po ako para humingi ng payo sa isang napakaselang problema ko sa buhay. Tungkol po ito sa dinadala ko sa aking sinapupunan na ang ama ay ang aking kuya.
Alam na po niya ang aking kalagayan at ang sabi niya sa akin, ituloy ko raw ang aking ipinagbubuntis at huwag ko raw ipalalaglag ang sanggol.
Hindi pa po alam ng aming mga magulang ang aking kalagayan at natatakot po ako sa maaari nilang gawin sa aming dalawa.
Inaamin ko po na ako ang may kasalanan nito. Minahal ko pong masyado ang aking kuya kaya hindi ko po napigilan ang aking sarili na ibigay sa kanya ang aking puri.
Nangako po siya na hindi niya ako pababayaan kahit anong mangyari sa aming dalawa.
Hanggang ngayon ay naririto po kami sa bahay ng aming mga magulang at wala silang kaalam-alam sa nangyari sa aming dalawa ni kuya.
Sana po ay mapayuhan ninyo ako kung ano ang nararapat kong gawin.
Lubos na gumagalang,
Ms. Aries
Dear Ms. Aries,
Hindi ko lubos mapaniwalaan na hanggang ngayon ay mayroon pa palang kaso ng "incest" o relasyong seksuwal ng dalawang nabibilang sa isang pamilya.
Wala akong maipapayo sa inyong dalawa kundi ang maghiwalay kayo bago pa kayo higit na masadlak sa pagkakasala.
Makabubuting ipagtapat na ninyo sa inyong mga magulang ang kasalukuyang kalagayan mo. Hindi ka dapat matakot sa maaaring gawin sa iyo ng iyong mga magulang. Ikaw ang nang-akit sa kapatid mo. Aminin mo ito sa inyong mga magulang, lalo na sa iyong ina, na siyang higit na makakaunawa sa iyo dahil isa siyang babae.
Sana ay normal ang sanggol na dinadala mo sa sinapupunan dahil karaniwang may mga abnormalidad ang anak na lumalabas sa relasyon ng dalawang may iisang dugo na nananalaytay sa ugat.
Makabubuti ring sumangguni ka sa isang psychologist para payuhan ka sa maselan mong kaso.
Ikaw na ang kusang magsabi sa kuya mo na lumayo na para maiwasan ninyo ang bawal na relasyon.
Dumalangin ka na sana ay makayanan mong balikatin ang epekto ng ginawa mong pakikipagrelasyon sa iyong kapatid.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended