^

Dr. Love

May iba na ba siyang mahal ?

-
Dear Dr. Love,

Belated Merry Christmas po sa inyo at sa staff ng PSN. Nais ko sanang humingi ng payo sa inyo tungkol sa problema ko.

Tawagin na lamang ninyo akong Jelai. Ako po ay nag-aaral sa Ramon Magsaysay High School (España, Manila). May boyfriend po ako–si Michael. Pero hindi ko po siya maintindihan.

Dati-rati ay masayahin siya at kapag nagkakasalubog kami ay palagi siyang nakangiti. Minsan ay hinahanap pa niya ako sa mga barkada ko na sina Rowena at Bersie.

Ngayon, kapag nagkakasalubong kami ay parang wala lang. Parang wala siyang nasalubong at hindi na niya ako hinahanap sa mga barkada ko. Minsan tuloy ay iniisip ko na may iba na siyang mahal.

Tinatanong ko siya sa mga barkada niya kung nasaan siya at ang sabi ay may probloema daw ito. Hindi siya lumalabas ng bahay nila. Umalis ako ng ilang araw at sinabi ko sa mga barkada ko na kapag nakita nila si Michael ay sabihin dito na miss na miss ko na siya.

Pero hindi naman daw nila ito nakita. Wala naman akong panahon na magpunta sa kanila dahil busy ako sa pag-aaral ko. Sabi ng mga barkada ko ay bakit daw hindi na lang ako makipag-break. Hindi ko kaya dahil mahal na mahal ko si Michael.

Sana ay matulungan mo ako at mapayuhan sa problema kong ito.

Truly yours and love lots,

Jelai #21


Dear Jelai,


Malamang ay may mabigat siyang problema at iyan ang dapat mong alamin para madamayan mo siya. Ganyan ang nagmamahalan, nagdadamayan.

May mga lalaking secretive o masikreto. Wala silang lakas ng loob na sabihin sa iba ang problema nila. Dapat kayong magkaroon ng masinsinang pag-uusap. Marahil, puwede mo siyang imbitahang dumalaw sa inyo that is kung okey sa mga parents mo. Kasi hindi maganda kung sa ibang lugar kayo mag-uusap. At lalong hindi maganda kung ikaw pa ang dadalaw sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BELATED MERRY CHRISTMAS

DEAR JELAI

DR. LOVE

JELAI

MINSAN

PERO

RAMON MAGSAYSAY HIGH SCHOOL

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with