^

Dr. Love

Dr. Love Monday Special - Noon ay bading na bading, ngayon: lalaking-lalaki

-
Ang natatandaan ko lang sa tatay ko ay kung gaano siya kagrabeng magdisiplina. Noong minsang nasira ko yung wiper ng kotse at tsaka yung pihitan ng TV namin, ibang klase siyang mamalo. May unang pamilya ang tatay ko kaya kung tutuusin ay hindi niya ako lihitimong anak. Noong mamatay siya, hindi man lamang ako pinayagang lumapit sa kabaong niya.

Ang nanay ko naman ay sobrang mapagmahal. Wala na yata akong mahihiling pa kung nanay lang ang pag-uusapan. At dahil siya na lang ang natirang modelo ko sa buhay, madalas ko siyang ginagaya noong bata pa ako. Pitong taong gulang pa lang ako ay mayroon na akong kaunting pagnanasa sa mga lalaki.

Noong 16 years-old na ako, nakatagpo ako ng isang guwapong-guwapo at mayaman na lalaki. Kakaiba ang naramdaman ko sa kanya. Naging magkaibigan kami ngunit nang sabihin ko sa kanya ang tunay kong damdamin, hindi niya ako tinanggap. Mula noon,nagkimkim na ako ng galit at sama ng loob. Sinumpa ko sa sarili ko na magtatapos ako ng pag-aaral at babalikan ko ang lahat ng nagpahirap sa aking damdamin. Natupad ko iyon–nakatapos ako hindi lang isang kurso kundi tatlo: Management, Industrial Engineering at Fashion Design.

Pero hindi ako kuntento. Nagtayo ako ng isang maliit pero magandang negosyo ngunit wala pa rin. Nagpunta ako ng Japan. Isa na talaga akong ganap at matagumpay na bakla noon. At sa grupo ng mga bading, big time ka kapag nakapag-Japan ka. Nagawa ko rin iyon pero wala pa rin akong contentment at kapayapaan sa buhay.

Bumaling ako sa kultong tinatawag na Mahikari. Ang hindi ko alam, ang nanay ko na nasa Maynila ay nakakilala na sa Panginoon. Naisuko na niya ang kanyang buhay sa Diyos at ipinalangin niya ako dahil natakot siya sa mga balitang naririnig niya tungkol sa kultong sinalihan ko.

Pati yung mga kapamilya kong nakakilala na sa Panginoon ay sumulat sa akin para ikuwento yung malaking pagbabago sa nanay ko. Dati kasi, almusal, tanghalian, hapunan at midnight snack ay puro siya mura. Ganap na pagbabago raw ang nangyari sa kanya. Nasaksihan ko ang katotohanang ito nang ako’y pauwiin mula sa Japan kasi nag-overstay na ako.

Ang pag-uwi kong iyon ang nagsilbing pintuan patungong bagong buhay. Nakilala ko rin ang Panginoon. Nang tanggapin ko Siya sa buhay ko, kaagad nawala ang pagnanasa ko sa kapwa ko lalaki, pati na ang pag-inom ng alak at paggamit ng bawal na gamot. Tunay na buhay ang Panginoon. Unti-unting binago Niya yung masasama kong mga ugali. Iba talaga kapag ibinigay mo ang buhay mo sa Kanya.

Bernie


(Kung nais mong mapanood ang mga kuwento ng tagumpay na tulad nito, panoorin ang THE 700 CLUB tuwing Miyerkules ng hatinggabi at tuwing Linggo, 7:30 ng umaga sa GMA-7. Puwede ring tumawag sa THE 700 CLUB Counselling Center sa 810-7717 o 810-7176. Bukas ito nang 24 oras. Sa mga nasa probinsiya, puwedeng gamitin ang PLDT line na 1-800-1-888-8700 (libre at wala nang operator) o sumulat sa P.O. Box 37, Greenhills, 1502 San Juan, Metro Manila).

AKO

BUHAY

COUNSELLING CENTER

FASHION DESIGN

INDUSTRIAL ENGINEERING

METRO MANILA

NIYA

NOONG

PANGINOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with