Laging sawi
December 28, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Greetings to you and the staff of PSN. Avid reader ako ng inyong column at natutuwa ako at marami kayong natutulungan, lalo na ang mga taong may mga problemang kinakaharap sa araw-araw na buhay.
Kaya naman sinubukan ko na baka sa pamamagitan ng kolum mo ay mabigyan mo ng katugunan ang ilalapit kong problema.
May mga taong hindi masuwerte sa pagkuha ng makakasama sa buhay at isa na ako doon. Sa kabila ng dalawang pagsubok, mahabang istorya at drama sa mapait kong karanasan sa buhay, umaasa pa rin ako na may matatagpuan na tunay na pag-ibig.
Sabi nga ng mga kaibigan at kamag-anak ko, martir daw ako dahil sa kabila ng hindi magandang ginawa sa akin ay nakukuha ko pang magpatawad at magparaya sa kanila. Magsasampung taon na ang lumipas at ayoko na sana pang magkaroon ng kasama sa buhay pero sa pagtakbo ng panahon, naisip ko na hindi pala puwede na sa pagtanda ko ay wala akong katuwang sa buhay.
Sa edad kong 48 years-old, nagbabakasakali pa rin ako na sa pamamagitan ng kolum mo ay may mga babae pang tapat at hindi tumitingin sa katayuan at anyo ng isang tao ang makikilala ko.
Gumagalang,
Ernesto (0912-4942897)
Dear Ernesto,
Hindi ko ilalathala ang address mo pero inilathala ko ang cellphone number (analog at no text) mo para matawagan ka ng mga nais makipagkilala sa iyo.
Umaasa ako na sa dami ng mga makikipag-ugnayan sa iyoy matatagpuan mo ang babaeng mamahalin mo at magmamahal din sa iyo nang habambuhay.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended