In-love sa guwardiya
December 25, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo. Isa po ako sa masugid na sumusubaybay sa inyong column. Nalaman kong napakagaling ninyong magbigay ng advice kaya naisipan ko pong sumulat sa inyo.
Tawagin na lamang ninyo akong Lanie, taga-Batangas at nagtatrabaho sa Las Piñas. Seventeen years-old lang po ako at pakiramdam ko ay seryoso na akong umibig.
Umiibig po ako sa isang guwardiya. Jaymor po ang kanyang pangalan. Pakiramdam ko ay mahal na mahal niya ako kaya nagkaroon kami ng relasyon. Sa ngayon ay nakadestino siya sa ibang lugar kaya hindi na kami nagkikita at wala na rin kaming komunikasyon sa isat isa. Ni hindi man lang siya sumusulat o tumatawag sa akin.
Hindi ko po alam ang aking gagawin. Mahal na mahal ko po siya. Sabi ng mga pinsan ko ay niloloko lang niya ako dahil lahat daw ng mga guwardiya ay maraming asawa o girlfriend sa bawat lugar na mapadestino sila.
Totoo po ba ang mga sinasabi nila? Hindi ko po alam ang aking gagawin. Hanggang ngayon ay wala akong balita tungkol sa kanya. Sana ay mabigyan ninyo ako ng advice.
God bless you and more power.
Ang inyong tagasubaybay,
Lanie ng Batangas
Dear Lanie,
Hindi naman lahat ng mga guwardiya ay katulad ng sinasabi ng mga kaibigan mo. I believe na nasa tao iyan kung likas siyang manloloko. Sa iyong kaso, kung talagang mahal ka ni Jaymor, gagawa siya ng paraan para magkita kayo o magkausap man lang.
Bakit ba ang ibang mga guwardiya, nakakasilip ng panahon para makita ang kanilang minamahal. Hindi bat may day-off naman siya? Bakit hindi ito ang gamitin niya para magkita kayo kahit sandali lang.
Huwag mong isipin na mahal na mahal mo siya. Bata ka pa at hindi mo pa nalalaman ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Baka infatuation lang ang naramdaman mo sa kanya na ipinagkamali mo sa pagmamahal. Malaki ang kaibahan ng mga bagay na ito. Marami ka pang makikilalang mga lalaki kaya dont despair sa pagkawala ni Jaymor.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended