^

Dr. Love

Kinikilig sa crush na basketball player

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Tawagin na lamang ninyo akong Miss Libra, 18 years-old. Matagal ko na pong gustong sumulat sa inyo kaso lang ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo ang problema ko.

Pero ngayong alam ko na, hindi na ako nagdalawang-isip na sumulat sa inyo para humingi ng payo.

Ang problema ko ay tungkol sa pag-ibig ko sa isang basketball player. Kapag nakikita ko siya, kinikilig ako. Pero kapag hindi ko siya nakikita, kulang ang araw ko at malungkot ako.

Siya po ay "cute."

Gusto ko sana siyang sulatan para malaman niya na in-love ako sa kanya kahit hindi niya ako nakikita nang personal. Pero personal ko na po siyang nakita at mula noon ay siya na lamang at wala nang iba akong minahal kahit na sa panaginip lang.

Ano ba ang dapat kong gawin para maiwasan ang ganitong feeling?

Isa pa po, nais kong isangguni kung mabuti ang blind date. Sana po ay mabigyan ninyo ako ng advice.

More power to you and God bless.

Gumagalang,

Miss Libra


Dear Miss Libra,


Ang nararamdaman mo ngayon ay isang uri ng "crush" o paghanga sa isang manlalaro ng basketball na maaaring naipagkakamali mo sa isang pag-ibig.

Lahat ng teenagers ay dumadaan sa ganitong stage ng paghanga kaya’t hindi mo dapat na problemahin ito.

Ang masama nga lang ay kung iuukol mo na ang buong panahon mo sa pag-iisip sa kanya at makakalimutan mo na ang pag-aaral at iba pang aktibidad mo sa buhay.

Ang paghanga kung walang katugong damdamin ay madaling namamatay. Biruin mo ba namang ikaw lang ang kinikilig at natataranta gayong ang pinag-uukulan mo ng paghanga at damdamin ay maaaring mayroon na palang girlfriend kundi man ay mayroon nang asawa.

Lilipas din iyan, makikita mo. Hindi naman masamang sumulat ka sa isang hinahangaang player at sabihin mong fan ka niya. Pero hindi mo dapat na gawin ang pagtatapat sa kanya ng iyong damdamin.

Hinggil sa "blind date", hindi naman masama ito basta ang nagsasagawa ng matching ay kilala mo at alam mong hindi ka isusuong sa mapanganib na pakikipagkilala sa isang lalaki na hindi mo pa alam kung ano ang layunin sa pakikipag-blind date.

Ito ay isang uri ng pagpapakilala sa isa’t isa na ang hangad ay makipagkaibigan na kung magtutugma ang damdamin ng isang lalaki at babae ay maaaring mauwi sa pagiging magnobyo.

Pagbutihin mong mabuti ang pag-aaral mo hanggang makatapos ka at maraming mga binata pa ang makikilala ka para pamilian ng makakasama mo sa buhay hanggang wakas.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

BIRUIN

DEAR MISS LIBRA

DR. LOVE

GUMAGALANG

ISANG

MISS LIBRA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with