^

Dr. Love

Magkakabalikan pa ba ?

-
Dear Dr. Love,

Nawa’y datnan ka ng liham kong ito na nasa mabuting kalagayan. Tawagin mo na lamang akong Rose, 17 years-old.

Mayroon po akong boyfriend dati. Pero hindi po nagtagal ang relasyon namin dahil nagseselos ako. Lagi ko kasing naririnig sa mga kasamahan namin sa trabaho na may nililigawan daw siya kaya tinapos ko na ang relasyon namin.

Magmula kasi nang makilala niya ang babaeng iyon ay parang balewala na ako. Makaraan ang ilang araw, kinausap niya ako at tinanong kung bakit ko raw isinauli yung picture. Sinabi ko sa kanya yung tungkol sa babae. Kung puwede raw ba naming ibalik ang dati. Sabi ko ayaw ko na.

Pero hindi iyun ang totoo. Hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya at umaasa pa rin akong magkakabalikan kami. May pag-asa pa bang mangyari ito gayong may nililigawan na siyang iba? Hindi naman niya ako iniiwasan. Sana ay pagpayuhan ninyo ako.

Naghihintay,
Rose


Dear Rose,


Totoo bang may nililigawan siyang iba habang may relasyon kayo? Kung totoo, dapat lang na makipag-break ka sa kanya dahil hindi siya matapat sa inyong relasyon. Ngayon kung hindi naman totoo ang sinasabi ng mga kasamahan ninyo sa trabaho, bakit hindi ka makipagbalikan sa kanya? Tinanong mo na ba siya nang masinsinan ukol sa bagay na ito?

Papiliin mo siya kung sino ang mas mahal niya sa inyong dalawa nung babae at kung ikaw ang piliin niya, dapat ay makipaghiwalay siya doon sa isa kung totoo ngang may relasyon sila. Ito ang hingin mong kondisyon bago mo siya tanggapin uli.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR ROSE

DR. LOVE

HANGGANG

KUNG

LAGI

MAGMULA

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with