Pagmamahal na hindi masabi

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo ako sa pangalang Buni, 18 years-old. Gusto ko pong payuhan ninyo ako sa nararamdaman ko. I have a friend named Jerwin. Cute siya, maputi, guwapo and I feel na nahuhulog na ang loob ko sa kanya.

Ang problema ko, hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko dahil pareho kaming lalaki. Ngayon ko napatunayan sa sarili ko na mas attracted ako sa kapareho kong kasarian kaysa sa mga girls.

Sana po, matulungan ninyo ako sa problema ko. Ano po ba ang nararapat kong gawin?

Naghihintay,
Buni


Dear Buni,


Hindi ko alam kung paano kita matutulungan sa problema mo dahil nasa iyo ang kalutasan ng suliranin mo.

Wala na ba talagang pag-asa na maturuan mo ang sarili mo na magpakatatag at pag-aralang manatili sa pagiging lalaki?

Alam kong kung talagang likas na babae ang gusto mo, mahihirapan ka talagang magpakalalaki. Pero siguro naman, alam mong sa ating lipunan, hindi pa matanggap ang third sex.

Bagaman moderno na ang kaisipan ng mga tao, palagi pa ring pinagtataasan ng kilay ang relasyong lalake sa lalaki at babae sa babae.

Kung mayroon mang mga taong pareho ang kasarian na nagkakaroon ng relasyon, ito ay panandalian lamang dahil bawal ang ganitong relasyon.

Sa mata ng Diyos at mga tao, hindi katanggap-tanggap ang ganitong relasyon.

Hindi kaya matakot si Jerwin kung sasabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo? Ikaw rin ang masasaktan kung lalayo siya.

Bakit kaya hindi ka na lang masiyahan na matalik mo na lang siyang kaibigan kaysa magkaroon ng relasyong seksuwal sa kanya?

Samahan mo ng panalangin ang resolusyon sa sarili na pananaigin mo ang kung ano ang natural na biyayang kaloob sa iyo ng Maykapal.

Dr. Love

Show comments