In-love sa tibo
October 27, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Nais ko pong humingi ng payo sa inyo tungkol sa aking problema at alam kong matutulungan ninyo ako.
Tawagin na lamang ninyo akong 6-5, nag-aaral sa Bacoor National High School (Annex). Sinabi ko sa aking sarili na ayoko munang ma-inlove o makipag-boyfriend dahil gusto kong mag-aral nang mabuti. Pinag-aaral ako ng aking kapatid at nahihiya ako sa kanya.
Nagkaroon ako ng kaibigan na tibo at nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi ko ito ipinahalata sa kanya dahil baka magbago siya ng pakikitungo sa akin. Pero katagalan ay nalaman niyang may gusto ako sa kanya. Simula po noon ay parang nag-iba na siya sa akin. Minsan ay hindi kami nag-iimikan at umabot ito ng isang linggo.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Pag nag-aaral ako ay walang pumapasok sa utak ko dahil siya lagi ang iniisip ko. Ngayon ay bati na kami pero hindi na po kagaya ng dati na lagi kaming magkasama. Tuwing may kausap siya o kausap niya ang ex-girlfriend niya ay nagseselos ako.
Ano po ba ang dapat kong gawin? Gusto ko siyang kalimutan pero hindi ko kaya dahil araw-araw kaming nagkikita sa school. Gusto ko rin pong maibalik ang dati naming samahan pero nahihiya naman ako sa kanya. Iwasan ko na lang po kaya siya?
6-5
Dear 6-5,
Hindi ako naniniwalang hindi mo siya kayang kalimutan. Nasa will power lang iyan. Kung talagang gusto mo, walang makakapigil sa iyo na kalimutan siya. Sa una ay mahirap pero eventually, makakaya mo rin iyan.
Maging busy ka sa ibang activities at umiwas ka sa mga lugar na pinupuntahan niya para hindi mo siya nakikita. Walang kahahantungan ang relasyong babae sa babae. Kasalanan iyan sa Diyos dahil ang babae ay nilikha para sa lalaki.
Mag-concentrate ka sa iyong pag-aaral at lagi mong alalahanin ang hirap ng iyong kapatid para lamang mapag-aral ka. Hindi lahat ay may kapatid na tulad ng kapatid mo, dapat mong isaisip iyan.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am