Talagang wala na akong magawa sa aking sarili. Sinusubuan na lang ako at binibihisan. Umiiyak na lang ako sa Diyos. Dalawang buwan akong ganito. Akala ko ay wala na akong pag-asa. Dinala ako ng aking mga kasamahan sa ibat ibang mga doktor pero lalo lang lumala ang sakit ko. Meron pang doktor na nagsabi sa akin na habambuhay ko nang magiging sakit ito. Napaiyak ako dahil naaalala ko ang mga anak ko. Paano na kami?
Pinayuhan ako na umuwi na lang sa Pilipinas. Ayaw ko namang gawin iyon dahil ayaw kong iwan ang trabaho ko. Ngunit nakita ko rin ang hirap ng mga nag-aalaga sa akin kaya pumayag na rin akong umuwi ng bansa.
Ilang araw bago ako umuwi, dinalaw ako ng mahigit sa 20 mga kaibigan na galing sa simbahan. Ipapanalangin daw nila ako. Nagulat sila sa aking kalagayan. Magang-maga ang buong katawan ko. Sa katunayan, parang paa ng elepante ang mga paa ko. Hindi nga magkasya sa pinakamalaking tsinelas ng Arabo na binili ko at gagamitin ko sana sa pag-uwi ko sa Pilipinas.
Unti-unti nila akong inupo at binasahan ng Salita ng Diyos tungkol sa paghingi ng kagalingan sa Panginoon. Pinanghawakan ko ang mga salitang iyon. Habang nananalangin sila, nararamdaman kong pinagpapawisan ako. Galak na galak ako. Tulo ang luha at sipon ko sa pag-iyak sa Diyos. Tinanong nila ako kung kumusta na ako. Sinabi kong pinagaling na ako ng Diyos. Tapos ay inabutan nila ako ng tissue. Hindi ko namalayan na naigagalaw ko na ang aking mga kamay. Patuloy kong pinanghawakan na pinagaling na nga ako ng Diyos. Pinilit kong tumayo kahit na masakit. Nang makatayo ako, itinaas ko pa ang aking mga kamay at pinuri ang Diyos.
Napansin ng isa doon na hindi na maga ang aking paa. Labis ang aking tuwa at sinabi kong tunay ng buhay ang Panginoon. Patuloy kong ikinilos ang aking mga kamay at katawan. Wala na ang sakit. Naramdaman ko ring nawala ang pamamaga ng buo kong katawan. Lumakad ako, nagsusumigaw sa Panginoon na sa Kanya na ang buhay ko. Paglilingkuran ko Siya.
Mar
(Kung nais mong mapanood ang mga kuwento ng tagumpay tulad nito, panoorin ang THE 700 CLUB tuwing Miyerkules ng hatinggabi at tuwing Lnggo, 7:30 ng umaga sa GMA-7. Puwede ring tumawag sa THE 700 CLUB Counselling Center sa 810-7717 o 810-7176. Bukas ito nang 24 oras. Sa mga nasa probinsiya, puwedeng gamitin ang PLDT line na 1-800-1-888-8700 (libre at wala nang operator) o sumulat sa P.O. Box 37, Greenhills, 1502 San Juan, Metro Manila).