^

Dr. Love

Sawi sa pag-ibig

-
Dear Dr. Love,

I always read your column,. I’m Daryl Angel of Surigao del Sur Polytechnic State College.

Gusto ko sanang humingi ng advice para mapanatag ang kalooban at isipan ko. Mayroon akong kaklase, si Kevin. Unang kita ko pa lang sa kanya ay na-love-at-first sight agad ako. Ngayon ko lang ito naramdaman sa tanang buhay ko kaya naman napakasakit nang malaman ko na girlfriend pala niya yung isa naming kaklase.I was so shocked kasi hindi sila bagay nung girl. Pero matalino yung girl kaya dikit nang dikit sa kanya yung lalaki lalo pa nang malaman nitong crush siya nung girl. Lagi itong nangongopya sa girl kapag may test kami, quiz o maging assignment.

Pero lagi akong tinitingnan ni Kevin na parang bang may gustong ipahiwatig. Tinanong siya nung kaibigan ko kung may gusto siya sa akin at umamin naman nito. Masaya na akong malaman na gusto rin pala niya ako. Close sa akin si Kevin at lagi niyang sinasabi sa akin ang mga pinag-uusapan nila nung girlfriend niya. Lagi niya itong sinisiraan pero huwag ko raw sasabihin sa iba ang mga sinasabi niya at lalo na doon sa babae. MU lang daw sila nito.

Tanggap ko na ang relasyon nila. Sana ay makatagpo ako ng lalaking tunay na magmamahal sa akin. Dalangin ko rin kay Lord na sana ay makatapos ako ng aking pag-aaral.

Always,
Daryl Angel


Dear Daryl Angel,


Huwag kang manghinayang kay Kevin. Dapat nga ay magpasalamat ka pa at hindi ka niya niligawan at naging girlfriend. Isa siyang manggagamit. Niligawan lamang niya ang kaklase ninyo dahil matalino ito at dito siya umaasa kapag may mga test at assignment. Tapos ay sinisiraan pa niya ito sa iyo. Kung ikaw ang nasa lugar nung babae, ano ang mararamdaman mo kapag nalaman mo ang mga pinagsasasabi niya laban sa iyo?

Wala siyang kuwentang lalaki kaya ang pagtuunan mo na lamang ng pansin ay ang iyong pag-aaral para makatapos ka. May iba pang lalaki na darating sa buhay mo na tapat at karapat-dapat. Goodluck and God bless.

Dr. Love

vuukle comment

DARYL ANGEL

DARYL ANGEL OF SURIGAO

DEAR DARYL ANGEL

DR. LOVE

GOODLUCK AND GOD

KEVIN

LAGI

NIYA

PERO

SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with