Minaliit niya ang pag-ibig ko
July 24, 2001 | 12:00am
Dear Dr, Love,
Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan sa pagsapit nitong aba kong liham.
Bagaman masasabing pam-personal lang na interes ang tema ng aking problema, minabuti ko na ring isangguni ko sa malaganap ninyong column ang nararamdaman kong galit sa isang babaeng noong una ay minahal ko ng labis subali't ngayon ay kinamumuhian ko na.
Niligawan ko si Nina sa pag-aakalang kahit siya nakakaangat sa buhay ay mauunawaan niya ang damdamin ko kahit hindi niya tanggapin ang aking pagmamahal sa kanya.
Noong una ay kinaibigan niya ako. Pumasok naman ako sa pag-aakalang may pagtingin siya sa akin tulad ng nararamdaman ko sa kanya.
Pero po nang ligawan ko na siya tahasan niyang sinabi sa akin na masyado ko namang inabuso ang pakikipagkaibigan niya sa akin at dapat daw na humanap ako ng babaeng kapantay ko ang antas sa buhay.
Masakit para sa akin ang pagtalampak na ito ni Nina. Napigil ko lang ang aking sarili na saktan siya sa tila pagkutya niya sa aking kahirapan.
Ang paghanga ko sa kanya ay biglang nahalinhan ng galit. Gusto ko siyang paghigantihan. Subali't pinigil ako ng aking ina dahil prangka lang aniya si Nina at hindi ako gustong paasahin sa wala. Tama po bang kalimutan ko na lang ang nangyari at ibaling sa iba ang aking atensyon? Payuhan po ninyo ako.
Labis na nagpapasalamat,
Larry
Dear Larry,
Tama ang nanay mo sa ginawa niyang payo. Bagaman nasaktan ka ng labis sa ginawang pagmamaliit sa katauhan mo ng babaeng niligawan mo, kalimutan mo na lang ang nangyari. Makikita mo, balang araw, mayroon ka ring matatagpuang ibang higit mong mamahalin at tatanggapin kahit isa ka lang pangkaraniwang tao.
Bagaman hindi sukatan sa pag-ibig ang antas ng pamumuhay at iba pang batayang karaniwang binibigyang pansin ng iba sa pagpili ng kasintahan, hindi naman siguro makasasakit sa iyo kung hindi talampakan kang sinabihan na ang isang tulad mong mahirap, hindi marunong gumamit ng diplomasya sa pagsasalita.
Anyway, hindi kita sinasabihang huwag magmahal ng mayaman subali't maaaring kinakitaan ka rin naman ng ibang intensyon ng babaeng mahal mo. Malay mo, mayroon namang ibang taong sinisiraan ka sa kanya. Hindi kaya?
Better try another one and good luck to you.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended