^

Dr. Love

Bawal na pag-ibig

-
Dear Dr. Love,

I’m one of your avid readers. This is my first time to write to you. I wrote because I need your advice.

Tawagin mo na lamang akong Donna May, 18 years-old. Nakilala ko po si Capt. Joe (di-tunay na pangalan) sa barko na sinasakyan ko. Doon pala siya nagtatrabaho. Kung saan ako pumunta ay laging nandoon siya. Sa bandang huli ay nagkaroon kami ng lihim na relasyon. Alam ko na may asawa siya. Agad niya itong sinabi sa akin, wala siyang itinago. May mga anak din siya. Tinanggap ko ang lahat ng ito dahil natutunan ko na rin siyang mahalin.

Habang tumatagal ay nami-miss ko siya lagi. Ang sweet-sweet niya. Ilang beses na akong sumakay sa kanilang barko at dito kami nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-usap nang matagal.

Hindi ko po alam ang aking gagawin kapag nawala siya sa akin. Mabait siya sa akin at very understanding. Honest pa. Gusto ko ang lahat-lahat sa kanya. Hihingi po sana ako ng advice kung ano ang gagawin ko.

Hanggang dito na lang at sana ay mabigyan mo ako ng payo. Marami pong salamat.

Good bless and more power,

Lubos na gumagalang,
Donna May


Dear Donna May,


Eighteen years old ka at may relasyon sa isang de-pamilyang tao.

Ang mahalaga lamang sa iyo ay ang kaligayahang madarama mo ngayon sa piling niya.

Pero isipin mo ang consequences ng bawal na relasyon.

Ikaw ang kontrabida. Ikaw ang tagawasak ng pamilya. Matatanggap mo ba iyan?

Baligtarin mo. Kung ikaw ang tunay na asawa at inagawan ng minamahal, ano’ng mararamdaman mo?

Golden rule: Huwag gawin sa iba ang ayaw mong mangyari o gawin sa iyo.

Dr. Love

ALAM

BALIGTARIN

CAPT

DEAR DONNA MAY

DONNA MAY

DR. LOVE

HABANG

HANGGANG

IKAW

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with