^

Dr. Love

Selosong lover

-
Dear Dr. Love,

Ang aking problema ay tungkol sa isa kong manliligaw. Tawagin po natin siyang Gelo. Siya po ay nakilala ko sa aming opisina. Mabait, matipuno ang katawan at may kagandahang lalaki siya, Dr. Love kaya’t hindi siya mahirap mahalin.

Noong una ay hindi ko siya pinapansin dahil hindi ko nga pala nasasabi sa iyo, ako’y hiwalay sa asawa at hindi ko pa napapa-annul ang kasal ko.

Masaklap ang naging buhay ko sa piling ng aking asawa, Dr. Love. Binubugbog niya ako lagi. Ito ay matatanggap ko, pero ang hindi ko matanggap ay pinatulan niya ang aming katulong. Huling-huli ko pa sila sa akto. Halos mahimatay ako noon sa galit.

Ang nanliligaw ngayon sa akin ay napakabait at kasundung-kasundo pa ng aking anak. Kahit siya bata sa akin, matured naman ang pag-iisip ni Gelo. Secret pa lang ang aming relasyon dahil ayaw kong matsismis at magamit ng asawa ko laban sa akin ang relasyon namin ni Gelo.

Ngunit nitong mga huling araw ay parang gusto ko nang makipag-break kay Gelo. Sobra pala siyang seloso at madaling magalit, lalo na kung tumatawag ang aking asawa sa opisina.

Natatakot ako na baka katulad din siya ng aking asawa na nananakit at ngayon lang nagpapakita ng kabaitan habang nanliligaw pa.

Pero ayaw niyang makipaghiwalay. Sinabi ko na kay Gelo na kung talagang mahal niya ako ay hihintayin niya ako hanggang maayos ko ang annulment namin ng aking asawa.

Ayaw pa rin niya at sinabi niyang puwede naman daw maghintay habang kami ay nagmamahalan.

Ano ang gagawin ko, Dr. Love? Deep in my mind, natatakot din akong mawala siya sa akin kaya hindi ko siya maiwasan.

Gumagalang,
Christine


Dear Christine,


Ngayong bagong taon, pagnilayan mong mabuti ang hakbang na dapat mong gawin. Masarap ngang may mahal at minamahal subalit dahil sa pinagdaanan mong karanasan, hindi ka masisisi kung magdalawang-loob ka sa kasalukuyan mong boyfriend.

Mahirap makalimutan na minsan, mayroon kang minahal subalit bukod sa hindi nasisiyahan sa iisang babae ay ginagawa ka pang punching bag.

Sa isang dako, maaaring kaya lang naman seloso ang lover mo ay dahil sa alam niyang wala pa siyang katiyakan sa iyo bukod sa mas bata siya kaysa iyo. Natatakot siyang baka maagaw ka pa uli sa iyo ng dati mong asawa.

Makabubuting gumawa ka na ng panimulang hakbang para magkaroon kayo ng maliwanag na paghihiwalay ng iyong asawa. Baka sakaling magbago siya ng trato.

Kung talagang hindi na mababago ang kanyang pagiging seloso, mahirap iyan.

Bakit hindi mo kausapin siya ng seryoso tungkol sa aspetong ito? Dapat ka niyang unawain dahil sa naging karanasan mo.

Bumabalik ba ang asawa mo? Iyan ay isa ring malaking problema.

Dr. Love

vuukle comment

ASAWA

DEAR CHRISTINE

DR. LOVE

GELO

NATATAKOT

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with