Sagutin mo naman ako
June 17, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
A good day to you. Isa po ako sa milyun-milyon ninyong tagahanga. Sa katunayan nga po, matagal ko nang gustong lumiham sa inyo subalit ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na ihayag ang aking suliranin.
Tawagin na lang po ninyo akong "Tony", kasalukuyang narito sa Saudi Arabia at nakikibaka sa paghahanapbuhay.
Ang problema ko po ay ang aking girlfriend. Ilalathala ko po ang tunay niyang pangalan at baka sa column ninyong ito ay malaman niyang hindi ko siya pinagtataksilan.
Margie Garcia ang kanyang pangalan. Nagsimula ang aming hindi pagkakaunawaan nang mabalitaan niya sa ibang tao na may iba akong karelasyon. Bigla na lang siyang huminto ng pakikipagkomunikasyon sa akin at nabalitaan kong lumuwas siya ng Maynila at nagtrabaho doon. Mula noon hanggang ngayon, wala pa kaming pormal na break-up.
Binigyan ko siya ng engagement ring at ipinangako ko sa kanya na pagkatapos ng kontrata ko rito ay pakakasalan ko na siya.
Sana, malaman niya na siya lang ang mahal ko. Ang nais ko lang naman ay tugunin niya ang sulat ko dahil sa ngayon ay ayaw niyang ibigay ang address niya sa Maynila.
Dr. Love, itatanong ko sana kung bakit may babae na ayaw tumugon kung humihingi ng kalayaan ang isang lalaki o kaliwanagan kung ano na ang estado ng kanilang relasyon?
Umaasa,
Anthony P. Ligo
C.B.E. Intl., P.O. Box 1930
Dammam, 31441
Kingdom of Saudi Arabia
Dear Tony,
Nakalulugod na hanggang diyan sa Saudi Arabia, nakakarating ang pahayagang Pilipino Star Ngayon kaya nasusubaybayan ninyo ang pitak na ito.
Kaya naman, sinisikap naming masagot ang ganitong mga liham sa lalong madaling panahon para makatulong sa may problema nating mga kababayan.
Tunay na nakapagbibigay ng palaisipan sa mga lalaki kung nagtatampo ang kanilang mahal sa buhay lalo nat magkalayo sila ng kinaroroonan.
Ang pagkakalayong ito rin ang siyang dahilan kung bakit ang isang babaeng tulad ng nobya mo ay nagdaramdam kung nakakabalitang may iba ka nang kinalolokohan.
Marahil, hindi maganda ang paliwanag mo kung kayat natimo sa isipan niyang tunay nga ang nabalitaan niya tungkol sa iyo. Hindi ka ba kaagad nagpaliwanag?
Maaaring ang paghingi mo ng kapaliwanagan kung kayo pa ngang dalawa ay may relasyon ang nagbigay pa ng ibayong epekto sa nasaktan niyang damdamin kung kayat minabuti niyang huwag nang sumagot sa iyo para tingnan kung ano ang gagawin mo.
Kahit walang address sa Maynila ang nobya mo, kung mahal mo talaga siya, gagawa ka agad ng paraan sa pamamagitan ng isang kaibigan o kamag-anak para maipaabot kay Margie ang tunay na pangyayari.
Ayaw lang marahil niyang umasa nang umasa sa mga pangako kaya siya lumayo muna at pinutol ang komunikasyon sa iyo.
Ilan na ba kayong taong magnobyo? Baka naiinip na siya.
Kumusta ka diyan at iba pang kasamahang Pinoy.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended